Prologue

204 6 0
                                    


" Salamat. Paano na lang ako kung hindi ka dumating." Nanghihina man at puno ng luha ang mukha hindi pa din nito napigilan magpasalamat sa Babae.

Tumango lang ang Babae. Hindi ito ngumingiti. Makikita dito ang matapang na mukha.

Na halatang malakas.

Walang kinatatakutan.

Sana ganoon din ako.

" Kaya nangyayari to sa akin dahil ang hina ko. Ni sarili ko hindi ko man lang maprotektahan." Naluluha ko pa ding saad.

Napatingin ang Babae sa akin. Pero hindi pa din nagsasalita.

Inilabas ko ang lahat ng hinanakit ko dahil sa pagiging mahina ko. Center of bullying. Pati kaibigan ko iniwan ako dahil sa pagiging mahina ko. Yung gusto kong lalaki ayaw din sa akin dahil mahina ako.

Dahil sa sobrang bigat ng nararamdaman ko. Hiniling ko na din na mawala sa mundong ibabaw.

Parang mukha na akong baliw sa harap ng babae. Pero hindi pa din ito umalis hindi din ito nangialam. Ilang oras din akong umiiyak.

Hanggang sa ....

" Saan ka? Ihahatid na kita?" Napaangat ako ng tingin ng marinig ito sa sinabi.

Hindi ko alam kung bakit ako lumuha. Kahit na kakilala ko lang sa kanya kanina. At stranger pa rin ang isat-isa.

Heto siya. May concern pa din sa akin.

" Sorry. Hindi ko napagilan umiyak hindi dahil sa nalulungkot pa din ako at nasasaktan. Nakita mo naman kanina. Na labas ko na lahat ng yun. Umiiyak lang ulit ako dahil sa sinabi mo. You save me earlier tapos ito ihahatid mo pa ako. Kahit na sa totoo lang hindi mo ako kilala." I honestly said it to here. Kung assumera man ako pero iyon ang nararamdaman ko.

Natigilan ako ng sa matagal na kasama ko siya kanina. Ngayon lang ito ngumiti.

" I'm Luna." Nagulat ulit ito ng nagpakilala ito.

Luna

" Alam mo ba! Siguro hindi kita masisisi dahil sa naranasan mo. Pero hindi yun sapat na hilingin mo na mamatay ka." Sabi nito

Agad naman akong nagpakilala. Tinanggap ko ang alok nitong ihatid ako. Dahil magkakilala naman kami. At syempre sinagip niya ako kanina. Tapos pag-iisipan ko pa ng masama.

" Halatang mayaman ka. Sana huwag ka nang ulit pumunta dito na walang kasama. Mapanganib dito." Pagbibigay alam nito. Tumango na lang ako.

Hindi ko maiwasang isipin na sa ganitong pag-uusap para ko na siyang kaibigan.

" Salamat. Can we be friends?" Matapang kong tanong dito. Natatakot man ako kanina sa seryosong mukha nito. Natanggal naman yun ng ngumiti ito at nagpakilala.

Natigilan ito. Bigla akong nagpanic.

" Naku naku okay lang kung--------

" Hindi ako mayaman katulad mo. Ang buhay ko ay isang kahig Isang tuka." Yan ang narinig ko sa kanya.

" What's the problem with that.? Hindi naman ako naghahanap ng mayaman na kaibigan." Sabi ko naman.

Napatingin ito sa akin.

" Okay then Friends." Siya.

Hindi ko alam kung bakit ako na patili at napayakap dito. Kahit na muntik na akong ma rape kanina hindi ko maiwasang magpasalamat na nakilala ko siya at naging instant na kaibigan.

" Nga pala. Kakasabi ko lang na hindi ako mayaman ha. Ito ang gagamitin ko ihatid ka." Siya at huminto kami sa isang taxi.

" May contact ka na Mamang driver ng taxi!?" Tanong ko.

" No." Agap naman nitong saad.

" Remember? Hindi ako mayaman. Hindi din ako nag-aaral. Ito ang puhunan ko. Hindi ko alam kung bakit magaan ang loob ka sayo. Kaibigan naman kita kaya sasabihin ko. Nagmamaneho ako ng taxi upang mabuhay ang sarili ko." Napaawang ako sa nalaman.

Hindi ako makapaniwala.

" What? How old are you? Parang kasing ka edad lang naman kita." Sabi ko.

" Ilang taon ka na ba?" Pabalik na tanong nito.

" 19" Sagot ko naman.

Tumango tango ito.

" Magka edad nga tayo." Sabi nito.

" Pasok na." She said at pumunta ng driver seat. Umupo naman ako sa front seat.

" Araw araw ka bang nagmamaneho?" Hindi ko maiwasang mag-alala sa kanya.

" Yes. Kung hindi ako magtatrabaho. Wala akong makakain." Sabi nito.

Bigla akong naawa. Bigla akong napa isip kanina. Akala ko ako na yung taong pinaghirapan dahil sa naranasan ko. But meeting Luna nahihiya ako sa problema ko.

" How about your parents?" Tanong ko. Nagawa na nitong paandarin ang taxi.

" I don't have one." Sagot naman nito. Napakagat na lamang ako ng bibig. Bakit ang bigat ng nararamdaman ko.

" Relatives?" Tanong ko ulit.

" Wala din." Napatingin ako sa kanya.

" Huwag mo akong kaawaan." Saad nito na ikinaiwas ko na lamang.

Kung wala siyang pamilya or relatives man lang? Saan siya naninirahan.

" Saan ka nakatira?" Tanong ko ulit dito.

" Baka sabihin ko sayo kaawaan mo ulit ako." Sabi nito na para bang normal na sa kanya ang nangyayari.

" Sabihin mo na. Promise susubukan kung hindi ka kaawaan." Sabi ko dito.

Nakita ko ang pagbuntunghininga nito. Pokus na pokus ito sa pagmamaneho.

" Dito." Rinig kung sabi Niya pero hindi ko gets.

" Hah?" Na sabi ko na lang.

" Dito sa taxing to." Saad niya pa.

Nanlaki ang mata ko at napatingin sa buong taxi.

" Totoo!?" Gulat na gulat akong napatingin sa kanya.

Napatingin ito sa akin pero agad din binalik ang atensyon sa pagmamaneho.

Tumango na lang siya.

" Minsan nakikitulog din ako sa may-ari ng taxi na to. Pero nahihiya ako kaya madalas. Dito na lang ako sa taxi. Ang laki laki na ng naitulong ni Manong Andy. Ayoko naman abusuhin." Paliwanag nito.

Napatakip ako ng bibig. At hindi maiwasang malungkot. Hindi ko namalayan na lumuluha na din ako. Kaya mabilis kong pinunasan iyon.

Napansin niya siguro kaya napatingin siya sa akin at agad ding binawi.

" Sorry. Nagpromise ako pero hindi ko nagawa. Ito pa oh naluha pa ako." Sabi ko naman.

" Pero alam mo ba. Napa isip ako. Hiyang hiya ako sa pinagagawa ko sa harap mo kanina. Tapos ni wala nga sa kalahati yung pinagdaanan mo sa akin." Hindi ko na naiwasan pang umiiyak.

" Hindi sa kinakaawaan kita ha. Pero nalulungkot ako. Ako yung nasasaktan sa mga pinagdaanan mo." I truthfully said to her.

" Hayaan mo na yun. At Isa pa pare-pareho lang tayong may pinagdaanan. Maliit man o malaki ang importante lumalaban tayo." Sabi nito.

" Thank you." Ang sarap marinig ang pinagsasabi nito.

Different life

Different name

Different status

Different soul

But connected

What could be the reason?


LunaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon