CHAPTER 11-
Bonding With ThemJ-Hope's POV
Ngayon nandito kami sa mall na tinuro ni Joy. Oo, kasama namin sya pero wala si Jungkook paano bumaba ng sasakyan kanina yun naiwan tuloy. Nagring yung phone ni Suga.
"여부세요(hello)." sabi nya.
"Hoy hyung, nasaan kayo?" rinig kong sabi ni Gguk.
"Find us." Ayy hide and seek.
"Mga loko kayo ako kadate nyan ehh." pagrereklamo nya.
"Ayaw mo kasi kaming isama kanina ehh. 안녕(bye)."
"Suga hyung!" pahabol na tawag nya.
Lakas ng tama ahh.
"Ano sabi?" tanong ko.
"Hinahanap tayo."
Loko kasi sya ehh. May pawalk out walk out pang nalalaman. HAHA.
Nagsalita si Joy.
"Tsaka nga pala nasan si Jungkook at Namjoon oppa?" taka nya.
"Ahh, si Jungkook naiwan ng van kanina bumaba kasi. Si Namjoon hyung iniwan namin masama yung pakiramdam nya." Paliwanag ko.
"Huh? Bakit nyo iniwan?" pag-aalalang tanong nya.
"Sino si Jungkook o Namjoon?"
"Syempre si Jungkook yan!" biglang sabat ni Taehyung.
"Hindi si Namjoon oppa. Doon nalang tayo sa hotel nyo. Bantayan natin si Namjoon." Dire-diretso nyang sabi.
"Kaya nya na sarili nya Joy." Sabi pa ni Taehyung.
"Kahit na ehh. Paano pagbiglang nahimatay yun doon? Eh, kung mataas yung lagnat? Kung di makahinga?" Ang over naman.
"Chill kalang Joy. Ito na pupunta na. Grabe ka daig mo pa nanay nya kung mag-alala." sagot ni Jin hyung.
"Ganun talaga ako pag may sakit ang isng tao." sabay ngiti nya.
"Sana magkasakit ako para alagaan mo din ako."
Pero pabulong lang nya sinabi. Narinig ko kasi magkatabi lang kami.
"Ano Jimin?" Tanong ni Joy kay Jimin.
"Wala, sabi ko tara na!"
V's POV
Haist,dahil kay Namjoon hyung balik na naman sa hotel. Sabi ko kasi kaya na ni Joonie hyung sarili nya ehh.
"Ahh, Joy sa amin kana magdinner ahh?" alok ko sa kanya.
"Sige ba! Tatanggi pa ba 'ko?"
"Tanong ko lang ahh. Nung Tuesday ko pa kasi napapansin ehh." Puna ko.
"Ano yun?"
"May lahi kaba?"
"Ahh oo, half filipino at half Korean." Woah.
"Wehh 'di nga, nakapunta ka na sa Korea?" Dagdag ko pa.
"Oo, tumira pa nga kami dun ehh pero di ko na maalala. Nakwento lang ni Mommy." Paliwanag nya.
"Ayy,ganun ba. Saan sa Korea?"
"Seoul,Korea daw. Tumira kami nung nga 8 years old ako tapos pumunta kami dito mga 11 years old ako." Kwento nya pa.
"Fan ka namin diba? Kailan pa?"
"Noong 15 yrs old palang ako."
"Bakit ilang taon ka na ba?" Oo na, ako napalatanong.
"18." Legal.
Parang may naaalala ako.
"Hoy, interview na ata yan ehh. Baka sunod mong itanong kung mahal ka ba nya." Singit ni Jiminie.
"Paano mo nalaman?" biro ko.
"Sira, itatanong mo talaga?" Gulat na tanong nya.
"Sana, Joy. Mahal mo ba 'ko?"
"Oo, kasi idol ko kayo ehh."
Aww. As an idol lang pala pero okay na yun atleast mahal nya ko diba. Ganun na ba kalalim? Una may kaagaw nako si Jungkook at Jimin. Sana silang dalawa lang. At sana silang dlawa lang.
"Yes! Mahal nya ko wohhh." Pagbubunyi ko.
"OA mo V, as an idol lang naman." Kumukontra pa eh.
"Okay lang atleast mahal nya ko diba?"
Joy's POV
Tuwang-tuwa ang loko. Lakas talaga nang trip ng mga toh. Nanahimik ako.
"Ohh. Joy tumahimik ka?" Biglang kalabit ni Yoongi oppa sakin.
"Naiisip ko lang kung totoo 'tong nangyayari." Naguguluhan kasi ako.
"Oo totoo 'to." sagot naman nya.
"Baka kasi niloloko nyo lang ako."
"아니(no). Isipin mo man na niloloko ka namin. Sakin naniwala ka na..."
'Di na natuloy yung sinasabi nya kasi huminto yung sasakyan.
"Suga oppa, maniwala ako na?"
"Ahh. Maniwala ka na... MAGANDA KA yon. Sasabihin ko." sabay iwas tingin.
"Ahhh."
Yun lang pala.
BINABASA MO ANG
BTS Fangirl Turns To BTS Idealgirl [COMPLETED]
FanfictionIs it possible for a fangirl to be a idealgirl of her idols? A lucky fangirl who met Bangtan Sonyeondan once. Let's find out.