CHAPTER 13

21 0 0
                                    

CHAPTER 13
Ideal Type/First Kiss

Joy's POV

Nakatulog na si Jungkook at nakapatong ang ulo nya sa balikat ko. Nakita ko yung iba na tumitingin. Inayos ko si Jungkook at nagpatulong kay Suga.

   "Okay na. Joy pwede ba tayong mag-usap?"

   "Ahh sige."

   "Pwede bang doon malang sa kwarto ko?" Nagtaka ko pero may tiwala naman ako sa kanya.

   "Okay." Tumayo nako at sumunod.

   Pagdating namin sa kwarto nya.

   "Upo ka muna. May mga tanong lang ako." Haluh interview ulit.

   "Ano yon?"

   "Nakailang boyfriend ka na?" Nagulat ako sa tanong nya.

   "Ah? Eh. Wala. Ayy isa." Pag-aalinlangan ko.

   "Bakit di ka sigurado?"

   "Ehh malay ko ba kung seryoso sya." Ang hirap kasi paniwalaan.

   "Ahh. Pero mahal mo sya?" Hot seat. Huhu.

   "Syempre fan nyo ko at sya ang ultimate bias ko."

   "Pero iba ang pagmamahal mo sa kanya. Right?" Tanong nya ulit.

   "Ahh. Di ko alam ehh." sabay pekeng tawa.

   "May first kiss kana?" Napalunok ako.

   Haluh! Bakit napunta sa ganitong usapan?

   "Wala." Diretsa kong sabi.

   "Ahh. Ganun ba? Ano bang gusto mo sa isang lalaki?" Hmm. Ano nga ba?

   "Ahh. Okay lang kahit 'di gwapo basta mabait. Mamahalin ako kung sino ako at hindi ako itatago sa maraming tao at ipagmamalaki ako at higit sa lahat mahilig sa Music." Paliwanag ko pa.

Suga's POV

Parang ako yon ahh. Yea, I'm assuming again.

   "Parang ako yun ahh?"

   "Bakit mahilig ka ba sa music?"

   "Okay sobra, Actually song writer din ako." Totoo naman.

   "Anong kanta?" Tanong nya pa.

   "Alam mo yung, I Like It, Jump at Just One Day.Ako nagcompost non." Pagmamalaki ko.

   "Ang galing naman. Gawan mo din ako." Suhestyon nya.

   "Sure." Pagkatapos ng topic na 'yon ay natahimik kami.

(SLIGHT  SPG  IS  COMING. ⚠⚠⚠)

   Tapos tinignan ko yung mata nya. Tapos ang mapulang labi nya. It's happening again. Naaattract ako,  lumapit na naman yung mukha ko sa kanya. Ngayon nararamdaman ko ang hininga nya. Sya gulat na gulat. Hanggang magdikit na yung labi namin. Pumikit ako sandali at 'di lang basta smack ang ginawa ko kundi isang gentle kiss ginawa ko yun kahit di pa sya nagrerespond. Nagulat ako pagdilat ko nakapikit sya. Nung una wala syang ginawa pero pumikit sya. At ang ikinatuwa ko sumabay sya! Tumagal kami ng higit 1 minuto. Napahawak nako sa likod nya. Sya nakasampay yung isa sa balikat at yung isa nakahawak sa likod ng ulo ko. Tapos dumilat sya.

   "Suga oppa. Mali 'to. Sorry." sabay yuko nya. Namumula din sya.

   Sasabihin ko sa inyo. First kiss nya to. Pero ang galing nya humalik(Byuntae alert).

   "Hindi Joy. Ako ang magsosorry kasi nakuha ko ang first kiss mo. I didn't mean it." nadala ko sh-t.

   Kung di sya nagsalita. Baka mangyari na ang 'di dapat mangyari. No, I respect her.

   Langhiyang buhay 'to. Bakit kasi nakaka-attract yung labi nya! Again in again. Lumapit ulit ako at hinalikan sya. Hindi ulit smack(Eeh ayaw ko ng smack ehh)Pero 'di na sya nagrerespond.

   Biglang bumukas yung pinto. Nakita ko si Jungkook na lumapit at sinuntok ako. Dumugo yung labi ko.

   "Walanghiya hyung! Di mo alam o nagtatanga-tangahan ka lang. Girlfriend ko si Joy diba?!" Kita ko ang galit sa mga mata nya.

   "Suga hyung. Bakit?" Dagdag ni Jimin.

   Halatang nagagalit din sya! Si Joy tulala.

   "Alam ko pero seryoso ka ba!?" Sabay smirk sa kanya.

   Halata namang nainis sya lalo.

   "Mahal ko sya okay?!" Matigas na sabi nya.

Jungkook's POV

*flashback*

   Nagising agad ako. Tapos napansin kong wala si Joy at Suga hyung.

   "V, si Joy?"

   "Ahh, kasama ni Suga hyung sa kwarto nya." What?

   Sa kwarto ni Yoongi hyung?!

   Tinawag ako ni Namjoon hyung.

   "Napanood mo na yung video?" Video?

   "Anong video?"

   "Basta panoodin mo nalang." Sabay pakita sakin.

Pagkatapos...

   "My Princess?" Pagtataka ko.

   "Sabi nya eh." Clueless din sya.

   "Wait lang." Pagpapaalam ko.

   Papunta ako room ni Suga hyung. Nakabuntot silang lahat.

Pagbukas ko ng pinto...

   Alam nyo kung ang nakita ko. Hinalikan ni Suga hyung si Joy. Sabi na nga ba eh.

*End of flashback*

   "Mahal mo sya? Bakit mo sya binago? Mahal mo? Bakit 'di mo KAYANG IPAKILALA SA lahat." Mahinahon pero matigas nyang sabi.

   Ang angas pa nya. Sinuntok ko ulit sya. Kahit hyung ko sya, hindi 'to pwede.

   "Tapatin mo ko. Gusto mo ba si Joy?" I want to hear it.

   Di sya sumagot.

   "GUSTO MO BA!" sigaw ko.

   "Hindi." Expressionless nyang sabi.

   Sabay labas ng kwarto at iniwanan kaming lahat na tulala.

BTS Fangirl Turns To BTS Idealgirl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon