CHAPTER 20

22 0 0
                                    

CHAPTER 20
I hate you

Jungkook's POV

Nakakainis nandito na naman sya pagtapos nyang mawala ng mahabang panahon tapos babalik nalang sya nang parang walang nangyari?

"Jimin? 'Di ka ba naiinis?" Tanong ko sa kanya.

"Huh? Bakit naman ako maiinis? Natutuwa nga ako ehh kasi bumalik na sya." Sabay ngiti nya.

"Anong nakakatuwa doon?" Sabay seryoso kong tingin.

"Ano ba. Kung ayaw mo parin sa kanya pwes 'di kita pinipilit na tanggapin sya. Ikaw rin naman maiipit sa sitwasyong ganito."

Takte. Ako naging masama ah. Sumakay na kami sa van papunta sa bahay namin. Teka sinama rin nila si Nahyun? Anong balak nila?

"Namjoon hyung, bakit nyo isinama yan?" Irita Kong tanong.

"Bakit anong problem kung sinama natin sya?" Pati ba naman sya.

"Malaking problema."

"Huh?"

"Nevermind hyung."

Nagkukulong nalang ako sa kwarto para di ko makita yung 'PRINCESS'nila. Oo nila lang dahil para sakin 'di sya prinsesa at ang prinsesa ko ay si Joy.

Nag-open ako ng twitter. Bagong post at marami ng tweet. At ang post nato ay may kasamang picture. Picture ni Suga at Nahyun na magkayakap. Ilan sa mga tweet.

'Who's that girl?'

'Bakit nya niyayakap yung asawa ko?'

'kapatid nya kaya yun?'

'ohh gosh di sila bagay!'

'cute couple.'

Nakakabwisit puro picture nila nakikita ko. Log-out.

"Hanggang ngayon parin ba?" Tapik sakin ni Jin hyung.

"Oo." Matipid Kong sagot.

Di ko makakalimutan.

"Di mo talaga sya pagbibigyan?" Ang kulit.

"Hindi ko alam."

"Bahala ka. Pero matagal na yun. Kahit sobrang hirap para sayo pero ilang beses na sya humingi ng tawad." Haist. It's not enough.

"Kahit na. Hindi lang basta kasalanan yun."

Tapos tumingin nako sa bintana at naririnig ko ang iingay na naman nila. Nag-unahan silang makipag-usap ka Nahyun.

"Ano wala kang balak kausapin sya?" Puna sakin ni Taehyung.

"Walang wala."

"Hi, Jungkook oppa.Ayy jungkook pala. Bakit ayaw mo 'kong kausapin?" Asa ka.

"I'm tired." Pasimple Kong sagot pero ang to too ayaw ko sya kausap.

"Oh sige pahinga ka muna. Tsaka na tayo mag-usap. Okay?" Pabebe.

"Bahala ka nga!" Pabalang Kong sagot.

"Okay ka lang ba talaga?" Psh.

"Tumigil ka! Wag mo 'kong hawakan!" Bulyaw ko sa kanya.

"Ano ba! Wag mo syang sigawan." Edi palayuin nyo sakin yan.

"Okay fine, wag kayong maingay pwede?"

"Sige na Jungkook magpahinga ka na." Pagpapakalma sakin ni Leader-nim.

Suga's POV

Ano bang ikinagagalit nya? Wala naman ginagawa si Hyun sa kanya ahh? Nababaliw na sya.

"Okay ka lang?"

"Ahh oo, baka pagod lang sya." Sabay ngiti nya.

Kung nagtataka kayo kung bakit nagustuhan ko si Joy dahil unang kita ko sa kanya akala ko sya si Nahyun at bukod pa doon magkasing age lang sila. Diba para akong tanga. Nakahalik ako ng stranger? Sa sobrang pursigido kong mahanap sya kung sino-sino nalang napagkakamalan ko.

"Gusto mong magpahinga?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi,okay lang ako. Ikaw ang dapat magpahinga dahil galing kayo sa flight." Oo nga naman.

"Mas mabuti pa nga."

Napansin ko matapos matulog ni Jungkook nagpahinga na din yung iba. Si Nahyun nalang ang gising. Natulog akong katabi sya.

Published: Sept. 22,2020

BTS Fangirl Turns To BTS Idealgirl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon