3

111 5 1
                                    

Chapter 3

"Huh? Dae mo ba alam na naglipat ako dito?" buong taka niyang sagot sa akin.

"What's dae?" hindi ko pinansin ang kanyang sinabi.

"Bicol word 'yon, it means hindi." sabi niya sa akin.

"Bicolano ka?" I asked him with my arching brow.

"Mommy ko." sabi niya naman sa akin.

I didn't know but I sounded curious about it. I mean nakilala ko lang naman siya sa isang party sa Spain at doon din nagwakas kung saan ko siya huling nakita. Siya kasi iyong tipo ng tao na bigla na lamang nawawala. Parang bubbles na isang putok mo, wala na.

Inihip ng hangin ang buhok ko kaya naman ang ilang hibla ng buhok ko ay lumandas sa aking mukha. Aayusin ko na sana ito ng mayroon ng mabilis na nag-ayos nito. Nanlaki ang mga mata ko na si James ang gumawa noon sa akin. Nakaramdam tuloy ako ng tila elektrisidad sa sistema ko.

Ilang segundo lamang iyon pero tila huminto ang buong mundo. Niyanig ang puso kong nanahimik ng ilang buwan. Parang siya lamang ang nakikita ko ngayong minuto ngayon. Ngunit ako agad ang umiwas ng paningin dahil hindi ko kinakaya ang mga nanghihipnotismo na kanyang mga mata.

'Gusto ko ba siya?' tanong ko sa sarili kong isip.

"Anong ginagawa mo ngayon dito?" tanong niya sa akin at naramdaman ko muli ang kanyang titig sa akin.

"Nakaupo." pilosopo ko ritong sagot.

"Tss. pilosopo." singhal niya sa akin at tumayo para pagpagan ang damit. "Narinig ko kanina ang Prof niyo, kaya tara. Pahihiramin kita ng pwede mong gamitin sa plates mo." aya niya sa akin.

Naglahad siya sa akin ng kamay at walang pag-aalinlangan ko itong tinanggap. Hinila niya naman ako patayo kaya naman mabilis akong napatayo mula sa aking pagkakaupo. Hindi niya binitawan ang aking kamay at nagsimula na siyang maglakad. Nagpatianod na lamang ako sakanya at sumabay.

Ilang saglit pa lamang ay ilang pathway na ang aming nadaananan, napansin ko din na patungo ito sa Engineering Building kung saan nandito si Elisha. Pero buti na lamang ay hindi namin nadaanan ang kanilang floor. Tumigil kami sa 2nd Floor at nakita doon ang magkakahiwalay na mga room na pinaghati sa dalawa.

Sa unang pintuan kami pumasok kaya naman nabigla ako ng hatakin niya ako dito papasok without minding the Professor who is now tackling infront of the students. Hindi ko din alam ang magiging reaksyon ko dahil kusa itong tumigil ng makita ako at ni James.

Napapahiyang tumungo ako at naghintay na lamang sa bukana ng kwarto. Hindi ko kinakaya ang mga tingin na napapagawi sa akin. Hindi ko alam na dito kami papasok. Ang alam ko lamang ay nasa Engineering Building kami. Habang si James naman ay narinig kong may kausap at ilang saglit ay naramdaman ko ang yabag niya pabalik dito.

Tumingala ako at nakita doon ang nakakunot na kilay niya. Kumunot din ang kilay ko kaya naman pasiring niyang inabot ang mga illustration board, lapis, water color, at iba pa. Nagtatakang nagpalipat-lipat ang mga tingin ko rito.

"Tss, use that. Hiningi ko 'yan kay Harry." singhal niya sa akin. nabigla ako sakanyang sinabi kaya hindi kaagad ako naka-recover.

"O-Okay?" alanganin ko ditong sagot. Hindi ko kasi makayanan ang kanyang tingin na tila pinag-aaralan mabuti ang aking mukha.

"Hatid na kita pabalik doon sa may puno." aya niya sa akin at hinila ako pabalik. Hindi niya man inalintana ang Prof na napahinto dahil sa dagliang pagpasok niya.

Sa daan pabalik sa may puno ay hindi ko mapigilan na mapatitig sakanya. Talaga naman na nakakalusaw ang kanyang tindig at porma ngunit kahit sinong babae ay hindi makakayanan ang kanyang tingin na mapapalapat sa iyo. Magmula sa kanyang mga mata patungo sa kanyang mga labi ay talagang mapapasabi ka na lamang ng 'A living greek god'.

My Love, Physique EdificeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon