Chapter 10
Buong gabi ko ginawa ang plate na sinira ni Claire. Nagagalit ako hindi dahil sakanya kung hindi sa ginawa niya. Hindi ko alam na ganoon ang galit niya sa akin. I thought, sapat na ang ginagawa ko sakanya para walang tampuhan at samaan ng loob. Ngunit hindi pala. Dahil kahit anong gawin ko ay balewala kung gaganituhin ako.
Wala akong inisip kung hindi ang kapakanan ng mga taong mahal ko. Pati sarili ko ay hindi ko magawang piliin dahil sakanila ko binubuhos ang natitirang oras ko para sa sarili ko. Pero parang walang hindi inisip si Claire kung gaano siya ka-inggit at ka-galit sa akin. Buntong hininga akong tumayo at niligpit ang mga ginamit ko kagabi.
Hindi man siya kasing-ganda noong una kong gawa ngunit pwede na itong ipasa sa aking Prof. Pagkatapos kong iligpit ang mga gamit ay pumasok na ako sa aking banyo para mag-ayos na at makababa na sa baba. Ilang saglit pa ay naka-ayos na ako ng kumportableng damit at bumaba na.
Amoy ko pa lamang sa hagdanan ang mabangong beef tapa na niluluto pa ni Manang. Bandang tanghali na ako nakababa kaya tanghalian na ang niluluto niya. Ngumiti ako sakanya habang pinagmamasdan ang niluluto niya. Pilit kong inaalis ang malungkot na alaala ko kagabi. Ayaw ko munang isipin iyon.
"Manang, bumaba na ba si Claire dito?" tanong ko kay Manang habang inilalapag niya na sa mesa ang niluto niyang tapa. "Kumain na rin po ba siya?" dugtong na tanong ko kay Manang.
"Hindi pa siya lumalabas sa kanyang kwarto magmula pa kagabi. Ano bang nangyari sainyong dalawa at magmukhang may samaan pa kayo ng loob." pansin sa amin ni Manang na may nagtatakang itsura.
Kinibat balikat ko lamang kay Manang para hindi na siya magtanong pa. Hindi ko din sakanya magawang sabihin ang naging sagutan naming dalawa ni Claire. Masyado siyang kumplikado para isipin pa ni Manang. At hindi rin ako handa para pag-usapan iyon. Natapos ang tanghalian at wala akong ibang ginawa kung hindi humiga sa aking kama.
Sunday na ngayon at bukas ay last week na namin sa semester na ito. Masyadong naging mabilis ang pangyayari sa buwan na ito. Kailanman ay hindi ko inisip na magiging ganito ka-kumplikado ang buhay kolehiyo ko. Ang akala ko ay magiging sing-dali ito gaya ng nakagawian ko.
Kinuha ko na lamang ang isang canvas sa aking gilid at sinimulan na itong pintahan. Wala naman ito sa mga gagawin ko para sa school ngunit naisipan kong mag-pinta ngayon, pampawala ng stress. Ang gagawin ko ngayong obra ay pamalit sa kung anong sinira na painting ni Claire sa receiving area namin.
Abstract painting with full of colors that signifies mystery. Sa unang tingin mo dito ay makulay ang obra dahil sa maliliwanag na kulay na iniligay ko. Ngunit kung lalapitan mo ito ay isang babaeng umiiyak ang mailalarawan mo dito. Mapapansin mo din ang mga pilik niyang nalulusaw dahil sa luhang pumapatak sa kanyang mga mata.
Napa-buntong hininga ako ng matapos ang obra ko. Inihahalintulad ko kasi ang sarili ko sa babaeng umiiyak sa aking painting. Umiiyak siya kahit may mga bagay at rason upang maging masaya. Ngunit mas maraming rason upang umiyak siya at malugmok sa kalungkutan. Inilagay ko na ang aking pirma sa gilid at binitbit na ito pababa.
Dumeretso na ako sa receiving area namin kung saan may blankong pader doon kung saan ko iniligay ang painting na sinira ni Claire. Isinabit ko na ito sa pader at pinagmasdan. Hindi ko binibigyan ng mga pangalan ang obra ko ngunit sa pagkakataong ito ay naisipan kong bigyan ito ng pangalan.
'The Cast of Tears.'
Paakyat na sana ako sa aming hagdanan ng may tumikhim sa aking likuran. Lumingon naman ako dito at nakita si Claire na agad umiwas ng tingin ng gumawi ang paningin ko sakanya. Hindi ko alam ang sasabihin ko sakanya kaya tiningnan ko siya ng pagtataka.

BINABASA MO ANG
My Love, Physique Edifice
Teen FictionAsturias Series #2 Physique Edifice, last line he said before leaving Blaire Sevaspiana Manalo. But what if the reason of his leaving are finding themselves? Will she be ready to cope up, or only the time will tell if there fate grip off. Their fate...