23

79 3 0
                                    

Chapter 23

Napalayo kaagad ako kay James ng ilapat niya ang kanyang labi sa aking noo. Pamilyar ang sensasyong nararamdaman katulad noong kami pa rin. Ngunit alam kong hindi ito pwede, hindi ito ang dapat.

Tumakbo na ako palayo sa kanya at naramdaman ko kaagad ang mga patak ng ulan sa aking damit hanggang sa tumatagos na rin ito sa aking balat. Tinakbo ko ang ilang metrong layo ng punong inupuan ko kanina hanggang sa aking kotse na nakaparada malapit rito.

Binuksan ko kaagad ang aking kotse at bago ko inilagay ang susi sa aking sasakyan ay tinanaw ko pa si James na ngayon ay basang basa na. Hindi niya ginalaw ang payong patungo sa kanya at ang lakas na ng ulan. Napamura ako ng mariin bago siya balikan roon.

"Are you out of your mind?" I yelled at him so loud that makes his eyes wide open.

"W-Why are you here?" he asked uttered and a bit confused.

"I came back for you, you idiot!" sabi ko sakanya at hinila siya.

Ngunit hindi ko pa man naitatapak ang aking paa ay mahigpit niya akong niyakap. Sa pagkakataon na ito ay hinayaan ko siya. Ilang butil na ng luha ang naiiyak ko sa kanya ngunit naiiyak pa rin ako sa simpleng galaw niya. Iba pa rin ang pakiramdam ko sa tuwing yakap-yakap niya ako.

Hindi ko inalintana ang ulan para yakapin niya ako. I feel safe between his arms. I felt insecured and self-pity when he's gone. Tipong hindi ako makukumpleto kung walang James Lauren sa aking buhay. Marami na akong naging achievements sa buhay. Pero this time, James is the biggest achievement among them.

Kahit hindi na kami. Siya pa rin. Siya at siya pa rin ang mamahalin ko. Kahit sino mang mga nangahas na nanligaw simula ng iwan niya ako, siya pa rin, e. Kahit anong gawin ko hindi ko maalis sa sistema ko ang kakaibang dulot sa akin ni JAmes.

Nagising ako kinabukasan ng masama ang pakiramdam. Mag-isa pa naman ako sa condo unit ko kaya walang mag-aasikaso sa akin ngayon hindi katulad noong nasa mansion pa rin ako. Huminga muna ako ng malalim bago tawagan si Dad.

[Yes, sweetie?] malambing na bungad sa akin ni Dad pagkatapos niyang sagutin ang tawag ko.

"Hey Dad, paalam mo 'ko sa HR. I'm not feeling well today, may fever ako at ubo." sabi ko sa kanya.

[What?! May fever ka? Okay, ipapaalam kita sa HR pero tatawagan ko si Dodong para sunduin ka d'yan at ihatid sa ospital. Tatawagan ko na rin si Claire para matingnan ka pagkadating mo sa ospi-] hindi na niya natuloy dahil sumabat na ako.

"Oo na, Dad. Sige, hihintayin kop o rito si Kuya Dodong." Sabi ko at pinutol ang linya.

Ilang saglit pa ay nagbihis ako ng isang maong na shorts at simpleng white t-shirt. Magpapacheck-up lang naman ako kaya hindi ko na kailangan ng magdala ng ibang damit. Nagscarf na rin ako sa aking leeg upang mainitan kahit papaano.

Dumating na rin naman si Kuya Dodong kaya dumertso na kami hospital. Ngayon ay walang pasyenteng nasa loob at tila kalmado ang mga tao ngayon rito. Nagtanong kami kung nasaan ang kapatid ko at inalalayan pa kami ng isang lalaking tingin ko ay kasing edad ko lamang.

Pagkabukas naming sa opisina ni Claire ay bumungad sa amin ang isang organisado at malinis na kwarto. Talagang masinop na sa gamit si Claire simula noong nagging doctor siya. Hindi kasi mapapagkaila na sobrang kalat niya pagdating sa papeles noon ni Claire.

Iniwan na ako mag-isa ni Kuya Dodong sa opisina ni Claire kaya hinintay ko na lamang na dumating si Claire. Nagulat na lamang ako ng lumabas si Claire galling sa isang pintuan ng kanyang opisina. Hindi naman siya nagulat dahil inaasahan na niyang dadating ako ngayon dito.

My Love, Physique EdificeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon