15

70 5 0
                                    

Chapter 15

"Paano po nangyari ito, Tita ahm." tanong ko sa ina ni Andra na hanggang ngayon ay hindi ko pa din alam ang pangalan niya.

"Emma, call me Tita Emma." sabi nito sa akin at ngumiti at binaling ang atensyon sa kanyang anak. "My daughter Leandra, is a good girl but I don't know why she's experiencing this. Leandra is a girl that a parent's could ever ask for. At masakit p-para sa a-akin na m-makita ang kalagayan ng a-anak ko." nanginginig na ang boses ni Tita.

Andra was peacefully sleeping in the bed and have a tons of tubes in her body. Just like earlier, she have been pale totally within her face and her skin. Kahit my maputla siyang mukha ay litaw na litaw pa rin ang kagandahan niya.

We heard a loud knock and before Tita can open a door, a middle aged man showed up teary-eyed when he was looking to Andra. Some features are familiar to me and that's when I realize he is Andra's father. He was looking painfully to her daughter who is still unconsious.

Lumakad palapit ang ama ni Andra at lumuhod sa sahig at kinuha ang kamay ni Andra upang mahalikan ito. Tahimik niyang pinagmamasdan ang buong kalagayan ni Andra. Bumaling ako kay Tita Emma dahil sa mga oras na ito ay kailangan nila ng oras sa isa't isa.

Sumenyas ako kay Tita na aalis na ako. Tumango naman siya at bahagyang ngumiti sa akin. Tumingin din ako sa ama ni Andra ngunit sa anak niya lamang nakatutok ag atensyon. Umalis na ako doon at buti na lamang ay hinintay ako ni Kuya Dodong sa labas.

Nandoon rin sa loob si Claire na pinagtataka kung anong ginawa ko sa ospital. Hindi man siya nagtatanong ngunit base sa tingin niya sa akin ay nagtataka siya. Bitbit niya pa sa kaniyang braso ang mga binders na nasulyapan ko pang maraming naka-highlight.

"I visited a friend, Claire. Naka-confine siya ngayon dito at hindi ko alam kung anong nangyari sakanya." malungkot kong sabi at binaling ang atensyon sa bintana ng aming kotse.

"I can ask about it, I mean pwede akong magtanong sa nurse at doctor na naka-assign sakaniya. Doon din naman ako naka-resident ngayon." sa sinabi ni Claire ay nabuhayan ako ng loob.

"You sure? Pwede mo talagang gawin 'yon? Sigurado ka, Claire?" sunod sunod kong paniniguro sakanya.

"I'm sure, Blaire. But can we make up na? Nahihirapan na din ako twinny eh. Hindi ako sanay na walang Blaire sa tabi ko. Wala akong napapagsabihan ng problema, wala akong nasasandalan." malungkot na sabi ni Claire kaya lumingon ako sakanya.

"Gusto ko ding bumalik tayo sa dati, Claire. So can we forget what happened in the past? Kalimutan na natin iyon dahil napaka-immature natin sa part na 'yon." tawa ko rito at niyakap siya.

Kinabukasan ay nagising ako ng maaga dahil sa isang vibration sa gilid ng aking kama. Nakapikit ko itong sinagot at basta na lamang itong ni-loud speaker ng hindi tinitingnan kung sino ang tumatawag.

[Good morning, Blaire. Nasaan ka ngayon? Lunch break na ah, where are you love?] malambing na boses ni James ang bumungad sa akin.

"Nasa bahay ako ngayon, and what do you mean lunch break na?" I yawned.

[Wait, what? You're in your house right now? Hindi ka pumasok ngayong araw?" napabalikwas ako ng marinig iyon kay James.

Tiningnan ko ang oras sa telepono ko at mahinang napamura ng makitang lunch break na nga talaga. Pasado alas-dose na at may pasahan kami ng plates sa Structural ngayong araw kung saan mag-damag akong nagpuyat para roon.

"I have to go, James. I'll meet you up there." after I said that I ended already the line and run towards the bathroom.

Nagmadali akong naligo at basta na lamang sinuklay ang aking buhok at pinasadahan ang aking labi ng liptint. Isang knitted sweater na kulay chartreuse at jeans ang sinuot kong damit. Sinakbit ko na ang aking bag sa aking balikat at patakbong bumaba sa aking kwarto.

My Love, Physique EdificeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon