Dad:
Umuwi ka na rito. Late na masyado, pauwiin mo na rin mga kabarkada mo. Ingat sa pag-uwi.
Pagkabasa ko pa lang sa text ni Dad ay tiningnan ko kung anong oras na at nakita kong late na masyado dahil malapit ng mag-1 AM. Napatingin naman ako katabi kong babae na si Jayda na ngayon ay nakayakap sa akin at nakatingala sa akin.
"Gab, Matthew, uwi na ako. Pinapauwi na ako ni Dad, bawi nalang ako next time." sabi ko sa kanila.
"Sige p're. Uwi na rin kami ng mga ito maya-maya." pagpayag ni Gab.
Nilingon ko naman si Jayda na ngayon ay nakanguso at nakakunot ang noo. Nagiinuman kasi kami sa isang bar dito sa Barcelona, nasa VVIP room kami at kami lang na magkakaibigan ang mga narito. Hindi naman lingid sa kaalaman na may gusto sa akin si Jayda kaya ganito ang mukha nito ngayon.
Maganda si Jayda, aamin kong nagustuhan ko siya dati ngunit naturn off ako ng sabihin niya ang pagkakagusto niya sa akin noong 1st year college na kami. Wala, e. Nawalan ako ng thrill kapag gano'n. Ayoko lang talaga na madaling makuha ang gusto ko.
"Bawi ka sa akin James, ah." sabi niya sa akin sa pagtayo ko sa couch.
"Oo, babawi ako sayo." hindi na ako magpapakita sayo.
Umalis na ako dala ang aking motorsiklo. Gamit kasi ni Kuya Zeus ang kotse ko patungo sa kabilang syudad kaya itong motorsiklo niya ang ginamit ko ngayon. Badtrip, at traffic pa ngayon dito. Tuloy ay inabot ako ng mahigit trenta minuto bago ako makauwi.
Pinagbuksan kaagad ako ng mga guard ng gate at binati pa ako nila. Marunong akong mag-espanyol dahil ang aking ama ay half-spanish. Natuto rin namna ako mag-espanyol dahil na rin dito ako nag-aral hanggang 1st year college. Pagkapasok pa lang ng aming bahay ay natanaw ko na si Dad at Mommy na nakaabang sa akin.
Kaagad akong nagmano sa kanila at aakyat na sana muli sa aking kwarto sa taas ngunit sinenyasan ako ni Dad na maupo. Buong taka naman akong sumunod rito at hinintay ang sasabihin niya. Baka tungkol ito sa culinary school na kumukuha sa akin pero nagkamali ako.
"James, anak. May party tayo dito sa Huwebes, may madating na ilang kilalang bisita at gusto kong nandito ka. Uuwi rin dito si Zeus at Deanne bukas at kayo ang magplaplano at magdedesign ng buong bahay natin." biglang sabi ni Mommy sa akin.
"May party po sa Huwebes? Bakit, ano pong meron sa Huwebes?" tanong ko rito.
"Congratulating you for your successful business! Kailangan 'yon i-celebrate dahil marami ka ng branch sa loob at labas ng bansa!" sabi ni Dad.
At gaya nga ng napagusapan ay dumating sina Deanne at Kuya Zeus kinabukasan. Nagcontact na rin kami ng isang sikat na event organizer para lagyan ng mga palamuti sa bahay. Si Kuya Zeus ang bahala sa labas ng mansion habang kami naman ni Deanne ay nagaasikaso ng mga list of guest.
Marami-rami ang pupunta bukas ng hapon dito sa bahay dahil halos umabot ng isang daan ang mga nakalagay sa listahan ni Dad. May mga sumadya pa ritong pumunta na galing sa Pinas para lang makadalo sa party namin. I didn't know that Dad is so exaggerated in this.
Nagtext na rin ako kina Gab at Matthew na pumunta sila rito bukas ng hapon para sa party namin. Kaagad naman silang umoo dahil wala naman silang gagawin bukas at nakatambay lang sila sa kani-kanilang bahay. Hindi ko na pinasabihan si Jayda dahil trip ko lang.
Sa gitna ng pagbabasa ng mga imbitado ay isang pangalan lang ang nakapansin sa atensyon ko. Pamilyar ang pangalan niya at alam kong nabasa ko na ito kung saan o di kaya'y narinig. Wala namang pakialam si Deanne dahil busy rin siya kaya naman sinearch ko ang pangalan nito.
BINABASA MO ANG
My Love, Physique Edifice
Teen FictionAsturias Series #2 Physique Edifice, last line he said before leaving Blaire Sevaspiana Manalo. But what if the reason of his leaving are finding themselves? Will she be ready to cope up, or only the time will tell if there fate grip off. Their fate...
