11

65 5 0
                                    

Chapter 11

Ng sumunod na araw ay walang ibang ginawa si James bukod sa bwisetin ako at asarin. Pinapabayaan ko na lamang siya at minsan ay inaasar ko din siya. Ngayon ay last friday na namin at bukas ay semester break na naming sophomores.

"Manalo, Blaire Sevaspiana." tawag sa akin ni Prof. Divine na ngayon ay hawak ang aking papel

Ngumiti ako sakanya at kinuha ang papel ko. Talagang istikta siya sa amin lalo pa at hinahandle niya kaming matataas na section. Nasa early thirties na siya at pansin kaagad ang mga kulubot sa kanyang mukha.

Manalo, Blaire Sevaspiana. 98/100.

Halos ikalaglag ng panga ko ang naging score ko, hindi ko kasi inaasahan na magiging ganito ang marka ko lalo na sa kanyang subject na pinaka-hate ko sa lahat. Algebra. At isang question mark para sa akin na naging ganito kataas ang naging score ko sakanya.

Magsasalita na sana ako sakanya ngunit tinawag na niya ang kasunod sa aking pangalan. Wala akong ginawa kung hindi bumalik sa aking kinauupuan at doon magsabi ng mga hinaing. Natulala ako sapagkat wala sa aking bokubolaryo ang salitang magaling sa Algebra!

"Hoy, natulala ka diyan. Bagsak ka ba?" natatawa sa aking baling ni Andra na kakakuha pa lamang ng papel niya.

"Hindi. Ikaw ilan score mo at saan ka nagkamali?" tanong ko sakanya

"87 over 100, dami kong mali sa equations at kung ano eh. Ikaw?" tanong niya din sa aking papel.

"Uhm, 98 over 100." may idudugtong pa sana ako ngunit nanlaki agad ang kanyang mga mata.

"What, patingin nga! Hays, buti ka pa two mistake. Ako thirteen mistake." biro niya sa akin na nginiwian ko.

Inalala ko lahat ng ginawa ko for the past few days, wala doon ang pumasok sa isip ko na nag-review ako. Bukod sa isang tao na bigla biglang nagsesend ng equation sa aming conversation. Hindi ko alam na nakakatulong iyon sa magiging score ko. Kinuha ko ang aking phone habang naglalakad kami paalis ni Andra.

jarendez:

17x + 12 = 54 - 4x

Mula Lunes hanggang Miyerkules ay nagsesend siya sa akin ng higit limang equations ngunit hindi iyon sunod sunod. Kung kailan maganda ang pag-uusap namin ay doon siya nagsesend. At masasabi kong nakatulong iyon sa naging outcome ng quiz ko.

Ako:

Thank you. 

Pagkatapos kong magtipa ng mensahe ay pumasok na kami sa susunod naming subject na huli na sa hapong ito. Buti na lamang ay hindi siya nagpaiwan ng gagawin ngayong semester break namin dahil ni-isa sa aming mga Prof ay hindi nagbigay. Ilang paalala at advice ang nakuha namin doon bago kami dinismissed.

"Bye, Blaire. See you two weeks from now." tawa sa akin ni Andra na kasalukuyan kaming nasa labas ng gate.

"See you din. By the way, saan ka mabakasyon?" interesadong tanong ko sakanya na ikinalumo niya.

"Sa bahay lang ako. Wala kaming plano ngayon dahil busy masyado si Dad sa company." natigilan ako sapagkat ang alam ko ay isang corporation ang company nila.

"Ahh, sige. Nandyan na ang sundo ko. Gusto mo sumabay?" aya ko pa sakanya ngunit iling lang ang sinagot niya.

Pagkatapos noon ay kunting paalaman muna bago ako pumasok sa aming sasakyan. Tinanaw ko siya palayo hanggang sa tuluyan ko na siyang hindi nakita. Masasabi kong bukod kay Atasha, ay naging matalik ko na ring kaibigan si Andra.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa ring kinikibo si Claire. Saka na siguro kung nakalimutan ko na lahat ng sinabi niya sa akin. Masyado iyong masakit sa aking pandinig para agad kong makalimutan. Hanggang sa makauwi ay nauna na akong umakyat sa aking silid.

My Love, Physique EdificeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon