Chapter 7
Iniwan ako ni Atasha sa Mall, buti na lamang na natawagan ko si James para magpahatid sa bahay. Along the way ay sinasabi niya na masaya siya dahil girlfriend niya na ako. Pero parang may mali. Gustuhin ko munang maging masaya ay may parte sa akin na nalulungkot. Kahit anong pilit kong isantabi iyon ay talagang nakadadala ang lungkot. Tama ba talaga ang pag-payag ko na maging girlfriend ni James kung ang sarili ko ay hindi magawang maging masaya.
Hindi ko na pinapasok si James, siguradong wala naman diyan si Dad dahil overtime niya ngayon sa trabaho. Gusto kong mag-settle muna sa kung anong nararamdaman ko. Ayoko din namang pilitin ang sarili ko na maging masaya dahil baka lalong mawala ang parteng masaya sa akin. Umupo na muna ako sa aking vanity chair at pinagmasdan ang repleksyon ko sa salamin.
Ang unat na unat na buhok ko na lagpas ng aking balikat at sumasabay sa indayog twing ako ay gumagalaw. Mga mata na madaling basahin ang emosyon ko. Ang ilong na may tamang tangos at laki. Mga mapupulang labing mapupusok na madadala ka sa simpleng pag-angat nito. At ang hugis ng aking mukha na hugis puso na bagay na bagay sa aking angking kagandahan.
Marami ng lalaki ang nabihag ko, naging kahalikan ko, at mga naging fling ko. Ngunit wala sa kanila ang naging seryoso ako. Pinangako ko sa sarili ko na kung sakaling magmahal ako ay sisiguraduhin ko na kagaya ng mga magulang ko. Tipong hindi mo na siya papalitan habang-buhay at siya na ang gusto mong maging kasama sa pag-tanda.
"Gusto kong sumugal sayo, James. Basta't hindi mo ako iiwan." sambit ko sa aking sarili at napatungo. "Seryoso na ako dahil nakikita kitang seryoso. Kung gagaguhin mo lang ako sa dulo, ayos lang. At least masasabi kong nag-seryoso ako sa iisang tao." dugtong ko pa/
Bigla namang tumunog ang phone ko at nakita doon ang text ng dalawang tao. Binuksan ko muna ang nauna bago ang nahuli. Nakita ko naman na si Atasha ito.
Atasha:
Sorry, Blaire. Nakalimutan kong kasama kita kanina. May nangyari kasi, e. Bawi na lang ako sayo, next time.
I typed my reply and I make it really long para makitang nagtampo ako pero syempre joke lang iyon. It's not even a big deal to me, tho. Naiwan niya lang naman ako sa Mall. Alangan namang damdamin ko pa iyon.
Ako:
Diyan ka magaling, bumawi. Wala ka talagang pakialam sa akin. Bawi, bawi mauulit naman sa susunod. Wag ako Atasha, Wag mong gaganituhin ang beauty ko. Just kidding, hindi naman ako nagtatampo at nagagalit sayo. Hello, bestfriend na kaya kita simula highschool. Nandiyan na ako ng makita ang malungkot mong mukha dahil kay Zeus. HAHA. Pero past is past. Kay Timothy ka na.
Alam kong hindi na siya magrereply dahil sa pagiging OA ko through text. And she barely text me, alright. Hindi siya paragamit ng phone at puro libro ang kausap niyan. Kung pwede lang na asawahin niya ang libro ay ginawa na niya. Tiningnan ko naman ang isang text at nakita ko naman na galing iyon kay Forest, binasa ko naman ito at nagtipa din ng mesahe.
Forest:
Hey, fling. I'm heading back home tonight. Be happy and humble my flirty fling. And oh, baka may asawa na ako pagbalik ko dito. Dad arranged me into one. Haha, I'll miss you :(
Ako:
Poor you, haha. Have a safe flight then and I will miss you also :)
Forest:
Why happy face, don't you like I'm here?
Natawa naman ako sa inasal niya. Habang nagtitipa ng irereply ko sakanya ay siyang pagtawag niya sa akin. It's facetime so I answered the call. He was already wearing a sweater and have a backpack in his shoulders. He's also wearing a cap to keep his face hidden, because as far as I know, Forest have a ton of exes back then like me.
BINABASA MO ANG
My Love, Physique Edifice
Teen FictionAsturias Series #2 Physique Edifice, last line he said before leaving Blaire Sevaspiana Manalo. But what if the reason of his leaving are finding themselves? Will she be ready to cope up, or only the time will tell if there fate grip off. Their fate...