28

76 4 0
                                    

Chapter 28

Hindi ako makapaniwala na kami ulit ni James. Parang dati lang ay iniiyakan ko siya ngunit ngayon ay kami na ulit. Mamaya ng gabi ang reunion ng aming batch at hindi ko alam kung ang magiging date ko ay si James dahil hindi niya naman ako inaya.

Marami naman akong evening gown sa aking aparador dito sa aking condo kaya hindi ko na kailangang bumili pa ng gown para mamaya. Dahil 7 PM pa ang reunion ay naisipan kong pumunta muna ng opisina para i-check ang trabahong naiwan ko ro'n.

Bumungad sa akin ang bagot na bagot na Lucas sa aking opisina na nakaupo sa isang swivel chair ko. Nilingon niya naman ako at pinagtaasan ng kilay. Anong problema nitong lalaking ito.

"Bakit ka d'yan nakabusangot?" tanong ko sa kanya.

"Tangina mo, Blaire. Akala ko 'di ka na babalik! Bigla ka na lang nawala, amp. 'Kala ko inuwi ka na ni James sa kanila, nasa Manila ka lang pala. Bakit 'di mo 'ko sinama? Na-depress ako dito, tol." sabi niya sa akin ngunit kahit seryoso siya ay hindi ko maiwasang hindi matawa.

"Hayop ka, Lucas. 'Kala ko kung anong nangyari sayo, pota ka. As if naman may nangyaring paghahack ulit dito sa BCM." natatawang ani ko sakanya.

"About that, Mr. Aquino hasn't been imprisoned yet. Ang sabi ay malakas raw ang kapit sa gobyerno kaya gano'n. Si Daphne naman ay pinaghahanap pa ng pulis. Kinausap na rin namin ni Emilio ang SAOSC para tulungan tayo pero naka-hold ang orders dahil namatay ang isang agent nila." sabi ni Lucas sa akin na nagpalaki sa aking mga mata.

"What? Are you serious? Nawala lang ako ng ilang araw ganito na ang nangyari. 'Di ba nagkaroon kayo ng relationship ni Daphne, how are you? I mean, kamusta ka ng malaman mo na may ginagawa siyang masama." tanong ko kay Lucas.

Napabuntong-hininga siya bago sumagot, "Relieved, mabuti na ng malaman ko kaagad. Baka kasi kapag huli na ang lahat ay saka ko pa lang malalaman, baka magkabuhol-buhol ang buhay namin pareho."

"Chair up." sabi ko sa kanya at hinimas ang buhok niya.

"Cheer up 'yon, gago." sabi ni Lucas at natawa naman ako.

"Alam ko, pinapatawa lang kita." sabi ko sa kanya.

Umalis rin si Lucas sa aking opisina pagkatapos naming magtawanan. Sabi niya ay bibili pa raw siya ng tuxedo para mamaya. Umupo na ako sa aking upuan at inabot ang mga papeles na nasa ibabaw ng aking lamesa. Kailangan ko lang pala itong pirmahan at okay na ako.

Medyo makapal ang papeles at inabot ako ng mahigit trentang minuto para pirmahan ang kalahati no'n. Sumasakit na rin ang aking mga daliri kaya nagpasya akong tumigil muna at kinuha ang aking phone.

Pumunta muna ako sa IG at agad bumungad sa akin ang recent post ni Timothy na nasa Temple of Leah. Tatlong picture 'yon kaya ni-slide ko. Ang pinakahuling picture ay litrato ni Atasha sa Temple na naka-side view at hindi ipagkakaila na maganda si Atasha sa anggulo ni Timothy.

Tinext kami ni Atasha kahapon na pupunta nga sila ng Cebu at Lapu-Lapu. Hindi ko alam kung anong nangyari at kung bakit sila lalabas ngunit masaya ako kahit papaano na gumagawa ng paraan si Timothy para muli silang maging masaya sa piling isa't isa.

Naisipan kong tawagan si Atasha. Nakuha ko ang personal number niya kay Dad dahil parte ng form namin 'yon kapag hiring. Matapos ang ilang ring ay sinagot na niya ang tawag ko.

[Hello, who's this?] tanong niya kaagad sa kabilang linya.

"Sis, si Blaire ito. Hehe, may ka-date ka na ba mamaya?" patungkol ko sa reunion.

[Wala, si Yuan kasi nasa Australia pero try niya daw makapunta haha.] tawa niya.

"Bakit naman si Yuan? Only option o wala lang talaga nag-aya." asar ko sa kanya.

My Love, Physique EdificeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon