Chapter 5
Hindi ko magawang sumagot sa pakiusap ni James, hindi ko din alam ang patutunguhan nito. Hindi naman ako umaasa pero bakit may pag-asa sa loob ko. Imbes na sagutin si James ay binabaan ko ito ng linya. Hindi naman sa ayaw ko siyang puntahan kung hindi wala akong maisip na sabihin.
Sa huli ay pumasok na lamang ako sa room namin at nagpanggap na walang nangyarI. Hindi naman dapat ako magkaganito. Sino ba si James sa buhay ko, hamak na sinayaw niya lamang ako sa Spain at wala ng ibang nangyari bukod doon. Bigla na lamang siya sumusulpot na parang isang kabute.
Inabala ko na lamang ang sarili ko sa mga lectures ng aming mga Prof, habang ramdam ko naman ang mga titig ni Leandra sa akin. Naiisip niya ata sa akin ay may nangyari kanina. Ngunit ayaw kong sabihin iyon sa kahit sino. Sapat na sa akin na isarili ko na lamang iyon. Parang hindi ito ang unang pagkakataon na may lalaking umakto ng ganon sa harapan ko.
'Ngunit iba si James sa kanila.'
Sa kalooban ko ay may namumukod tangi kay James na wala sa ibang lalaki, maski sa Dad ko. Hindi ko pa alam kung ano iyon ngunit aalamin ko iyon sa takdang panahon. Lahat ng bagay ay may panahon, ngunit oras ang nagpapakawala nito. Kaya sana ay malaman ko kaagad iyon bago mahuli ang lahat.
"Oy, Blaire. Tapos na ang klase oh." sabi sa akin ni Leandra sa gitna ng pagkakatulala ko. "Ayos ka lang ba?" tanong niya pa sa akin.
"Ah! Oo naman. Mauna ka na mag-lunch. Susunod na lang ako Andra." sabi ko sakanya at niligpit ang kalat sa aking desk.
"Andra, huh?" taka niyang tanong sa akin. "Sino 'yon?" dugtong niya pa.
"Ikaw, Leandra is too long, Andra na lang." sabi ko sakanya at nagpauna ng lumakad. Kumaway ako sakanya patalikod at narinig ko pa ang sigaw niya ngunit tawa tawa na lang akong naglakad at hindi na lumingon pa.
Habang naglalakad ay naka-focus na lamang ako sa daan without minding the people that greets and smiles at me. Masyadong okupado ngayon ang utak ko. Sa samu't saring mga thoughts na naglalakbay sa aking isip.
Dumaan ako sa pathway ng Legal Management na kadugtong ng Architecture. Malapit na ako sa dulo nito ng matanaw si Atasha na hingal na hingal na tumatakbo na may hawak pang mga libro sa kanyang mga kamay. Nanlalaki ang mga mata ko na naatigil sa kinatatapakan ko.
"Hoy! Saan lakad mo?" sigaw ko sakanya ngunit hindi niya ako pinansin. Ito ang kauna-unahang tumakbo si Atasha sa public place, dahil lagi siyang mahinhin kung kumibo ngunit sa likod noon ay masakit siyang magsalita maliban sa amin at sa kanyang pamilya.
Ngumuso ako at nagpatuloy maglakad, ngunit hindi pa naman ako nakakatatlong hakbang ay nakita ko ang gwapong Timothy na patakbong sumusunod sa bestfriend ko. Ang bilis niya naman pumorma sa kaibigan ko, the last time I checked, kakabunggo pa lang nila kahapon.
'Speed.'
Dumeretso na ako sa ilalim ng acasia gaya ng gusto ni James, umupo na lamang ako doon at tinaklob ang hawak kong board sa aking ulo para pantabing ng aking ulo dahil sa sinag ng araw na nakabunton mismo sa aking mukha. Bahagya naman lumilom kaya binaba ko na ang hawak kong board.
Dahil sa sobrang bagot ko kakahintay ng ilang minuto ay naisipan kong ipikit na lamang ang aking mga mata at nilanghap ang sariwang hangin na tinatangay ang nakalugay kong buhok na umaabot hanggang ilalim ng balikat. Hindi ko namalayan na nakatuog ako sa sobrang antok na binabalot ang buong sistema ko.
"What the fuck?! Anong nangyari sayo?!" boses ng isang lalaki ang narinig ngunit hindi ko maimulat ang mga mata ko dala ng sobrang pagkabgsak ng mga ito.
Naramdaman ko na lamang ay binuhat niya ako at lamig na ngayon ko lamang naramdaman, sobrang bilis niyang tumakbo at tuluyan ng bumagsak ng katawan ko sa kung sino man ang bumuhat sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/232271640-288-k942773.jpg)
BINABASA MO ANG
My Love, Physique Edifice
Teen FictionAsturias Series #2 Physique Edifice, last line he said before leaving Blaire Sevaspiana Manalo. But what if the reason of his leaving are finding themselves? Will she be ready to cope up, or only the time will tell if there fate grip off. Their fate...