30

114 4 0
                                    

Chapter 30

Kakarating ko pa lang sa site ng pinapatayong restaurant ni James dahil naisipan ko itong tingnan at kamustahin. Ilang buwan na rin naman ng magsimula itong construction kaya nasisiguro kong patapos na ito sa susunod na linggo. Siguro sa huling linggo ng June ay makakapagbukas na sila.

Malaki na ang improvement ng pinapatayong building. May ilang pagbabago sa sukat dahil hindi naman laging nasusunod ang nasa blueprint. Nakita ko rin doon sa loob si Elisha na may kausap na construction worker at tila may sinasabi ang mama kay Elisha.

Lumapit ako roon at agad akong nakita ni Elisha. Lumingon siya sa akin at bumuntong hininga. Hindi ko alam ang nangyayari sa kanya kaya nagpasya na lang akong manahimik. Nagulat na nalamang ako ng hinila ako ni Elisha sa isang gilid at nagpatianod na lang ako.

"Tangina, Blaire." bungad niya.

"Bakit, anong nangyari?" tanong ko sa kanya.

"Kita mo 'yong mama na 'yon kanina? Hindi siya totoong construction worker." sabi niya na nagpalaki ng mga mata ko.

"Ha, paano?" naguguluhan kong tanong sa kanya.

"Isa siyang espiya, Blaire. Minamataan niya ako at pilit kong tinatanong siya ngunit ayaw niyang ipasabi kung sino ang nagpapamantyag sa akin." sabi niya at bumuntong hininga.

Isa lang ang pumasok sa isip ko na maaring magpamantyag kay Elisha ngunit kung sasabihin ko ang pangalan niya sa harap niya ay siguradong magiging badtrip si Elisha sa akin buong araw. Iniiwasan ko na kasing banggitin ang mga ex ng mga kaibigan ko.

Pagkatapos kong pumunta sa site ay napagdesisyonan ko na pumunta sa aking lote. Nagsimula na rin kasi ang construction ng aking bahay at ipinasa ko na ang final layout ng design ng magigimg bahay ko.

Ilang minuto lang ako inabot at agad akong nabigla ng makita si James na nandoon at nakahilig sa kanyang sasakyan. Never did I mentioned him that I have a lot here in Yestra and never did I said that my house is under construction.

Bumaba kaagad ako sa aking kotse at nanibago sa suot ni James. Dati ko na siyang nakikita magsuot ng simpleng dress shirt at denim shorts. Nanibago lang ako dahil nakabukas ang unang tatlong butones ng kanyang polo kaya lumalabas ang kanyang matipunong pangangatawan.

Napalunok ako habang tinitingnan siya habang siya ay kaswal lang na nakatingin sa akin at may ngiti na naglalaro sa kanyang mga labi. Kumaway siya sa akin at ngumiti ng abot tenga. Para siyang modelo sa kanyang suot at pagkakahilig sa kanyang sasakyan. Damn.

"Hi. I'm just wondering, why are you here?" tanong ko ng makalapit ako sa kanya.

"Bawal ba akong bumisita sa magiging bahay natin?" kaswal na tanong niya sa akin at umiwas ng tingin ng nakangiti.

"Bahay natin? Bahay ko 'to." sabi ko sakanya.

"Low gets mo rin 'no? Syempre magiging bahay natin 'yan sa oras na mapakasalan kita. Pero ngayon, bahay mo pa lang ito. Hintayin mo lang ako magpropose sayo at tiyak na hindi na kita papakawalan." sabi niya at kumindat.

Umirap ako sa kawalan at inaya siya papasok sa site. Medyo madumi pa ang iilang bahagi dahil naghahalo na sila ng semento. Binati rin ako ng ilang kilalang construction worker kaya tipid akong ngumiti sa kanila.

Pumasok kami sa shade house at namataan roon si Lucas na may hawak na hard hat at talagang nakikipagkwentuhan sa iilang engineer na naroon rin. Dahan-dahan naman siyang lumingon sa aming dalawa ni James at agad umamba ng yakap sa akin.

"Pare, konting distansya muna. 'Di ko alam ang magagawa ko kapag nayakap mo ang misis ko." pakiusap ni James.

Siniko ko kaagad siya dahil nagsimula ng mag-asaran ang nandoon sa aming dalawa ni James. Napatingin naman ako kay Lucas at nakita ko doon ang sakit sa kanyang mga mata ngunit nagawa niya pang ngumiti.

My Love, Physique EdificeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon