18

53 5 3
                                    

Chapter 18

Kakauwi pa lamang namin galing sa despedida. I posted some pictures of moments there. When I was browsing my feed, nagulat lamang ako ng makita ang isang comment ni Atasha sa isang dummy account. The post was posted by Herialo.

Atasha Justine dela Cruz:

Can't Help to Exagge At This post Interfering ou break-up that No one should Get the real reason behind it.

Dahil literal na capital letters ang kanyang pagtytype ay nakuha ko kaagad ang ibig sabihin nito. It was cheating, even though naikwento na ni Atasha sa amin ang nangyari sakanila ni Timothy, I can't blurt it out why Timothy did that.

Kinabukasan ay naka-receive ako ng text galing sa mga kaibigan ko. Nag-aaya silang mag-bonding sa mansion nina Atasha para sulitin ang huling oras rito sa Asturias. Tita Bea and Tito Ruiz also bough tickets to Dane's family airport. Kaya doon namin siya ihahatid mamaya.

Sabay sabay kaming pumunta kina Atasha. Dahil maaga kaming pumunta doon ay pagdating namin doon ay wala si Atasha at sinabing nagjo-jogging raw ito. Hinadaan naman kami ng mga kasambahay ng mga kape at almusal.

Maya-maya ay dumating na si Atasha suot ang isang sports bra at leggings. Pawis na pawis siya ngunit ang ganda niya pa rin. Kahit anong isuot niya ata ay babagay sakanya lahat. Hindi man siya makurba katulad namin nina Dane ay siya ang litaw na litaw ang ganda kahit walang make-up.

"Bakit kayo nandito?" mahinahong tanong sa amin ni Atasha habang nagpupunas ng pawis sa katawan.

"Sinusulit ang last hours mo rito. Mag bonding tayo rito sa bahay niyo." sabi ni Elisha at ngumiti pa kay Atasha.

"Okay. Papalit lang ako ng damit ko." sabi ni Atasha sa amin at bahagya pang tumango sa amin bago umuna sa kanyang kwarto.

Pinagmasdan ko ang buong kabahayan nina Atasha. Malayong malayo ito sa aming mansion. Their house is a box-type that plays in white, grey, and black. Sa kanilang pamilya ay si Kuya Josh lamang ang lumiko sa kanilang yapak. Siya lamang kasi ang hindi abogado. 

Minutes of waiting nagpasya ang mga kasambahay nina Atasha na ihatid kami sa kanilang theatre room o entertainment room. Marami doong movies kaya naghalungkat kami nina Dane ng magiging pelikula.

"Ito nga sabi, The Nun hindi 'yang Ex with Benefits." giit ni Fhashla kay Claire.

"Princess and the Rock Star na lang." suggest pa ni Dane.

"Patingin nga kung ano 'yang Rock Star na 'yan. Para kasing maganda eh." sabi ko kay Dane at kinuha ang hawak niyang CD.

"'Yan na lang. Maganda naman, ata eh!" sigaw pa ni Elisha sa amin.

Pagkakita ko nanlaki ang mga mata ko ng makitang barbie iyon! Napatingin kami kay Dane na ngayon ay ngingisi na sa tabi at tumatawa na ng pagkakalakas. Palaisipan kung saan nanggaling ang CD na ito kung puro law fiction movies ang pinapanood nina Atasha.

Imbes na masapok namin si Dane ay basta na lamang itong nilagay ni Claire sa DVD at maya-maya habang binabasa noon ay naramdaman na namin ang presensya ni Atasha sa aming likod. Tiningnan namin siya ng mga nakataas ang kilay.

"Wala. I just found that I'm surely am gonna miss all of your craziness." sabi ni Atasha at may pumatak na luha galing sa kanyang mga mata.

Kaagad naman akong lumapit sakanya at niyakap. Nakisama na rin ang iba at nakiyakap sa amin. Hinarap ko si Atasha at pinunasan na ang kanyang mga luha gamit ang thumb ko kahit ako ay lumuluha na rin. 

Siguradong lahat kami ay mamimiss si Atasha, sa ilang taon naming magkakasama ay tila magkakapatid na kaming anim sa sobrang close at komportable namin sa isa't isa. We cared for each other like a true sister acts.

My Love, Physique EdificeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon