13

66 5 0
                                    

Chapter 13

"And this year champion is no other than," sabi ng host habang hawak ang envelope kung saan doon naglalaman kung sino ang nanalo. "James Lauren Valdez!" buong lakas niyang sabi na nagpatili sa mga kababaihan ditto sa arena.

James received so many compliments and congratulatory on his new win. Maski ako ay hindi alam kung anong saktong salita ang babagay sa kakapanalo niya ngayong gabi. Puno ng galak at kasiyahan ang aking puso dahil nakita ko na kung paano siya sa nanalo sa ganitong paligsahan.

Buong akala ko ay nakita ko na kung paano magbunyagi ang mga nanalo sa mga competition. Ngunit maski sakanila ay hindi makakapantay kung paano ngumingiti at tumatawa ngayon si James. Walang bakas na pagmamayabang o pagloloko ang nasa emosyon niya.

Ibinigay ko ang aking phone sa isang staff at sinenyasan itong kuhanan kami ng litrato ni James, maya-maya ay lumapit na kami sa kanya at umakbay pa sa aking braso si James kahit may dala siyang trophy sa kanyang kamay at medalya sa kanyang leeg.

Marami ang nagpapapicture sakanya kaya tumabi na muna ako sa gilid. Kinuha ko na itong pagkakataon para i-post sa aking Instagram ang picture naming dalawa.

Ako:

Congrats, my chef @jarendez

It's a simple photo of me and James. Naka-akbay siya sa akin at parehas kaming nakangiti. May wacky rin kaming dalawa na parehas kaming naka-peace sign. Pagkapost ko nito ay saktong nag-aya si James na umalis na doon.

As expected, maraming paparazzi ang nakakalat. Hindi ko alam ngunit sa tingin ko ay nagmistulang celebrity si James. Pero the fact na nanalaytay ang dugo niya ang pagiging sikat na aktres at modelo ng kanyang ina ay nagpapatunay na maari niyang pasukin ang showbiz.

"Saan mo gustong kumain, hmm." malambing na sabi ni James at may pumara sa amin na isang land cruiser.

Pinagbuksan ako ni James ng pintuan doon kaya sumakay na ako doon. Hindi ko alam ang mga kainan dito sa Thailand kaya siya na ang pinagdesisyon ko. Ayaw ko naman na mabigo ako sa kakainin naming dalawa lalo pa at panalo siya sa sinalihan niyang competition.

"Bahala ka. I don't know fine dining restaurants here." I said and smiled at him.

"Okay." he signalled the driver of the land cruiser and we drove away to the arena.

I was browsing my feed and a lot of notification popped there. I browse them one by one and saw comments coming from my friends and sister. Dahil tinag ko si James sa post ko ay nagcomment rin doon ang kanyang mga kaibigan.

atashajusti(c)e:

Sweet. <3


gomezzzandriyah:

Nice, hindi ng sama. Pero congrats, chef!


clairemanalo:

Bagay na bagay kayo, @blairemanalo at @jarendez.


veiaaafhashla:

Hope all.


elishariano:

Edi sana all. :(

My friends are all crazy. It's just a simple greeting, nothing less and nothing more. Although I've seen in the monitor I said I love you and such. And it's quite embarassing because it was seen in the televion on air!

Nagbro-browse ako sa aking facebook when suddenly a notification popped in my phone. My heart ran fast because I have a feeling that it was James, I got a gut feeling that it was him. I opened it immediately and I unconciously, I smiled.

My Love, Physique EdificeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon