21

86 4 0
                                    

Chapter 21

"I'm sorry....." sabi niya akin.

Ngumiti naman ako ng mapait sa kanya. Hindi ko alam kung matatanggap ko ba ang kanyang sorry sa kabila ng ginawa niya sa akin. Lahat ng sakit na naramdaman ko noon ay hindi sapat para matumbasan ng kanyang sorry.

"Don't be, let's just talk about the contract perhaps." I suggested that makes him nodded.

Pilit niyang inaabot ang isang papeles na nasa gilid niya. Bumuntong hininga muna ako at lumakad palapit roon upang hindi na siya mahirapan pa. Naka-taas na kasi ang kanyang paa at tanging ginagalaw niya ay ang kanyang katawan pa-kanan para maabot niya 'yon.

Napatigil siya sandali ng makitang papalapit ako sakanya. Sandaling naglapat ang paningin namin ngunit ako na ang kusang umiwas dahil nakikita ko sakanya ang dating tingin na binibigay niya noon at ayoko na no'n ngayon.

Inabot ko na sakanya ang papeles at umupo sa bakanteng sofa na nasa harapan niya ngunit malayo ng kaunti. Ngunit bago pa man siya magsalita ay binigyan niya ako ng isang copy ng papeles na hawak niya.

"Seven restaurants should be constructed in this year end, while the demolition of old establishments should be done before June." sabi niya sa akin at tipid akong tumango.

Binasa ko sa papeles kung saan niya balak ipatayo ang kanyang restaurant. Nabigla naman ako dahil ang natirang anim ay sa labas ng Asturias! Magsasalita na sana ako kaso naunahan na niya ako.

"I know what you're thinking, ang anim na natitirang restaurant na balak kong ipatayo ay sa Cebu, Lapu-Lapu, Carcar, Danao." pag-banggit niya sa ibang lungsod dito.

"Nasa'n naman ang dalawa, apat lang nabanggit mo, e." giit ko sa kanya.

"Quezon City at Makati City." tipid niyang sabi sa akin na ikinalaki ng mga mata ko.

"Are you freaking serious? I mean, kaya kong maging Head Architect ng project na ito pero hindi ko kakayanin na magbalik-balik dito sa mga 'to." nahihirapan kong sabi sakanya.

"Who said that you're going solo in that? Syempre sasama ako sa'yo." ngisi niya sa akin na nagpataas ng kilay ko.

"In that case? I don't think so." sabi ko sakanya.

"Believe me, I can come with you." he said and winked at me.

Ilang araw na ang lumipas ngunit  gaya ng dati ay maaga akong pumasok sa opisina. Gusto ko na kasing simulan ang design ng pinapagawang restaurant nina James. Ayoko namang mag-cramming kung kailan kailangan na ito urgently.

Pagkatapak ko pa lamang sa aking opisina kung saan inuukupa ko ang buong floor ng 32nd floor ng building ng BCM ay nakita ko kaagad ang tambak na papeles sa aming lamesa. Siguro ay inilagay ito ni Jasmine na assistant ko sa kumpanya. Hindi ko naman kailangan magkaroon nito ngunit kailangan dahil makakalimutin ako.

Pagkaupo ko sa aking upuan ay hinarap ko na ang trabaho ko para sa araw na ito. Napansin ko rin ang isang papeles na nabubukod tangi dahil sa pagkakaiba ng font nito at papel na ginamit. Kinuha ko ito at binasa.

Hindi ko naalalang tinanggap ko ang trabahong ito. Sa pagkakaalam ko ay si Andra ang naging Head ng project nito sa mga Alonzo. Tumayo naman ako sa pagkakaupo ko at tinungo ang opisina ni Andra. Although nagka-ayos sila ng kanyang ama ay piniling niyang dito magtrabaho.

Architects and Engineers greeted me in the hall as soon they saw me walking towards their Co-Head Architect in that floor. May nahihiya pang ngumingiti sa akin siguro ay nahihiya sa akin dahil alam nilang ako ang magiging boss nila balang-araw. I sighed.

Pagkapasok ko sa opisina ni Andra ay tiningnan niya ako ng puno ng pagtataka dahil bihira lamang akong pumupunta sa kanyang opisina at laging siya ang pumupunta sa akin. Inilapag ko sa kanyang harapan ang bitbit kong papeles na nagpatango-tango sa kanya.

My Love, Physique EdificeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon