Chapter 26
The construction of the restaurants immediately started the day that I confront James. It's not big deal that I'll work with Engineer. Mariano. Besides she's my bestfriend after all. The hge signage in front of the site flatters my heart.
Head Architect : Blaire Sevaspiana Manalo.
Head Engineer : Elisha Bliegand Mariano.
Hindi naman ako palaging nando'n dahil si Elisha na ang bahala sa site. Mostly sa papers ako even though na kailangan rin ako sa site, hindi naman ako magtatagal roon. Sinimulan na rin naman ang construction dito sa Asturias habang sa Cebu, Lapu-Lapu, Carcar, at sa Davao ay nagsimula na no'ng nakaraang buwan.
Sa Quezon City naman at Makati ay ang team na namin doon ang bahala. Marami kasi akong kliyente rito sa Asturias at kailangan akong magsupervise. Si Dad naman ay lumalabas minsan kasama sina Tito Ruiz at Tito Dominique. Maybe next year ay ipapasa na sa akin ni Dad ang buong kumpanya.
Papunta ako sa site ngayon ngunit wala pang text si Elisha kung ano na ang progress do'n kaya hihintayin ko pa. Ngayon naman ay gumagawa ako ng project lay-out para sa pinasag sketch sa akin ni Andra. Tinanggap niya na rin ang offer ni Heaven sa kanya kaya busy siya ngayong araw.
Seryoso kong binabasa ang project output ni Andra at talagang nakasara ang pandinig ko sa mga istorbo sa paligid. Nagulat na lamang ako ng makita si Atasha sa aking harap na nakasuot ng simpleng damit ngunit pormal.
"You can't believe what's going on in our squad, Atasha! Ang complicated ng lovelife namin ni Dane, well specifically Dane but not my story tell. Si Engineer. Valdez naman which is James, my ex ay magiging kapartner ko sana sa project pero hanggang demolition lang." mahaba ko ritong kwento.
"Alam mo, I've heard that exact story from you for almost a gazillion times." natatawang sabi sa akin ni Atasha.
"Well, I missed you so bad! 2 years na tayong hindi nagkikita and I missed your coldness!" I chuckled.
"Yeah right, Mmm, by the way your father is hiring me as your company's Legal Adviser." banggit niya sa akin.
"Magiging ka-empleyado kita rito?" tanong ko sa kanya ng may pananabik.
"Tss, of course not. I'll be just the one who's gonna advise you on your transaction. Hindi naman necessarily na magiging katrabaho mo 'ko rito. And besides, may firm rin akong aasikasuhin." sabi ni Atasha sa akin.
Hindi na namin naituloy ang kwentuhan namin ng tinawag na ako ni Andra para sa isang board meeting. Biglaan raw kaya nagmadali na rin akong lumabas. SInabi ko naman kay Atasha na maari siyang magstay sa aking office pero umalis na rin naman siya kaagad roon.
Pagkapasok ko pa lamang sa hall ay pawang tahimik ang lahat at hindi nababasa ang mga emosyon nila. Napansin kong wala si Lucas at pawang mga mataas na ranggo ang nandito. Siniko ko si Andra para makuha ng atensyon niya.
"Bakit wala si Lucas? 'Di ba siya 'yung head Engineer natin. Where is he?" tanong ko kay Andra.
"Kasama si Emilio, maya-maya ay dadating na 'yon." sabi sa akin ni Andra.
Nagsimula na rin ang meeting namin at talagang sineseryoso nila ang naging kaguluhan no'ng nakaraan. Big deal sa amin ang nakuhang data file sa amin dahil naging mababa ang sales namin at nawalan ng milyon ang aming kumpanya.
Pinacheck rin ni Dad ang mga CCTV sa bawat floor ngunit hindi nakuha ang opisina ni Lucas na lubos kong pinagtaka. Kinakabahan ako dahil kwinekwestyon nila ngayon si Lucas. Alam kong hindi magagawang magnakaw ni Lucas sa amin.
Nawala ang kaba ko ng makita si Lucas galing sa kabubukas pa lamang na pintuan. Kasama niya rin si Emilio na ngayon ay hawak na portfolio sa kanyang kanang kamay habang ang kaliwang kamay niya naman ay may hawak na suit case.
BINABASA MO ANG
My Love, Physique Edifice
Teen FictionAsturias Series #2 Physique Edifice, last line he said before leaving Blaire Sevaspiana Manalo. But what if the reason of his leaving are finding themselves? Will she be ready to cope up, or only the time will tell if there fate grip off. Their fate...