12

71 5 0
                                    

Chapter 12

"Grabe, ang ganda pala dito sa Thailand." manghang sabi ni Fhashla na animo'y first time niya pa lamang dito sa bansang ito.

Nasa hotel na kami at tinatanaw ni Fhashla sa veranda ng aming hotel room ang mga matatayog na building na nakikita niya sa kanyang harap. Kami ni Fhashla ang magka-room, sina Dane at Elisha naman at si Claire ay napiling mag-solo.

Unang araw pa lamang namin dito sa Thailand at ang alam ko ay marami na kaagad kaming pupuntahan. Ayuthaya Historical Park ang una naming pupuntahan. Ito ay lugar sa Thailand kung saan nakalinya ang maraming buddha sa dadaanan mo.

Katamtaman ang init ngayong araw at talagang nakikisama ito sa aming bakasyon dito. Nagpahinga lamang kami ng ilang oras at pumunta na sa Ayuthaya para magsimula na ang pagsasaya namin. 

Nag-suot ako ng isang pink coordinates dress na binagayan ko ng kulay itim na flat sandals. Nagpahid rin ako ng liptint sa aking mukha para natural na lumantad ang aking ganda. I also brought my black guess sling bag to put my cellphone, cards, and some cash.

Si Fhashla naman ay nagsuot ng simpleng puting tank top at sa pang-ilalim naman ay isang green cargo pants. She also wear some black combat shoes to complete her badass look. Nag-shades din siya para lalong umastig ang kanyang porma.

We headed down and waited for the girls to come down. I was taking some photos inside in the hotel when Fhashla was nowhere to be found. Maya-maya ay bumaba na ang aking kapatid at kaibigan. Natagpuan ko na rin si Fhashla na parang nawawala sa sarili.

"Ayos ka lang?" I asked her after I poked her shoulder.

"Ayos lang." ngiti niya sa akin ngunit bakas pa rin ang pagkabalisa.

Kinibat balikat ko na lamang iyon at kumuha ng litrato ng aking paanan. I opened my Instagram account and pressed add story. Pinalitan ko din ang filter nito to black and white. I tap the toggle and type my caption on it.

Ako:

Where to go?

Pagkatapos kong i-post iyon sa aking story ay binalik kong muli sa aking sling bag ang aking phone. Nagpasya na rin kaming pumunta na sa Ayuthaya to kill some time. Sa byahe ay naging magulo dahil sa maingay na kwentuhan tungkol kina Atasha at Timothy na ngayon ay nasa Iceland na.

"Bagay na bagay sila, 'no? Hope all na lang." sabi ni Dane na ngumuso pa.

"Mas bagay kayo nung bestfriend ko." ngisi ni Elisha sa kanya na ikinunot ng noo ni Dane.

"Sinong bestfriend mo 'yan? Hahanapin ko, baka sakaling magkaroon ako ng kaharutan." biro pa ni Dane kay Elisha na lalong ikinalaki ng ngisi nito.

"Huwag ka na kasing maghanap, Si Harry na ang sagot sa problema mo." ang ngiti sa labi ni Dane ay nawala at napalitan ng pamumula ng mukha.

Hindi ko kilala si Harry ngunit nadinig ko na ang kanyang pangalan somewhere, hindi ko lang matandaan kung saan ko iyon nadinig. Itatanong ko na sana kung sino si Harry ngunit naunahan ako ng aking kakambal.

"Who's Harry? Is he studying in LEU?" tanong ni Claire sa kanila.

Nagkatinginan naman sina Elisha at Dane sa isa't isa. Pinandidilatan ni Dane si Elisha habang si Elisha naman ay ngingisi sakanya.

"Harry Alonzo, bestfriend ko iyon sa engineering campus. Oo, taga LEU siya pero low profile. Ang sabi niya ay 'I want to be lowkey'. Pero si Dane nakita siya, ayon in love ang ate mo girl." natatawang paliwanag ni Elisha.

"Harry? Nice name." sabi ko sakanila. "Sana kasing pogi niya si Harry Styles." biro ko sakanila na ikinangiwian lamang nila ako.

Nandito na kami sa Ayuthaya at agad inagaw ng mga bulto ng buddha ang aking pansin. Magmula sakanilang estatwa ay namangha din ako sa cobblestone na aming dinadaanan. Hindi siya ito nagkulang sa disenyo dahil maski ang maliit na parte ng buddha ay may nakaukit na lenggwahe.

My Love, Physique EdificeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon