Chapter 4
Hindi ko na na-enjoy ang stay sa restaurant. Parang sumama bigla ang pakiramdam ko dahil sa nakita kanina. A part of me was hurt, pero hindi ko alam kung bakit. Nakakita naman ako ng ibang naghahalikan sa mga pubclic places pero bakit iba ang naging reaksyon ko sa nakita ko kanina.
I mean, ganoon din naman ang balak namin gawin ni Forest pero bakit bigla akong nakaramdam ng sakit. Hindi naman kami, at lalong hindi ko siya gusto. Pero bakit, bakit ako nasaktan kahit wala akong karapatan magkaroon ng reaksyon sa nakita.
'Nababaliw na ako'
Bumalik na kami ni Forest sa University at pilit kong pinakita sakanya ang pagkainteresado sa mga kwinekwento niya. Nalaman ko din na nandito siya para lamang magbakasyon dahil hindi pa pasukan sa States. Hindi naman siya magtatagal dahil wala naman siyang bibisitahin dito sa Asturias dahil wala naman silang kamag-anak dito. Talagang umuwi siya dito para lang makita ako.
Dahil Technical Drawing kami kanina, Geometry na kami ngayon. Ala-una pa lamang ng hapon ay hindi ko mapigilan ang hindi humikab dahil sa Geometry. Nagdi-discuss pa lamang ang Prof namin ay ramdam ko kaagad ang antok. How I hate Math.
"A Geometric Sequence has a common ratio. The formula for the nth term is an = ar^n-1. Where an = nth term of sequence. a = first term of sequence, and r = for common ratio" discuss sa amin ng isa sa pinakamagaling na Geometry Teacher sa Region.
Nagsimula na siyang magsulat sa whiteboard kaya agad ko naman nilabas ang Math notebook ko. Kahit ayaw ko sa Math ay kailangan ko ito para makapasa. Napanganga naman ako dahil ng humarap ako sa white board ay punong puno na ito ng equation. Damn it,
1. '2, 6, 18, 54, 162'
2. '3, 1, 1/3, 1/9, 1/27, 1/81'
3. 'Sn = a1 (1-r^n) / 1 - r'
4. 'S10 = 0.01 (1-6^10) / 1-6
5. 'S10 = 0.01 (-60466175) / -5'
6. 'S10 = -604661.75 / -5'
7. S10 = 120932.35
Halos kaunti na lamang ang natira sa room ng magpasa ako. Hindi ako sigurado sa sagot ko dahil hindi naman ako kagalingan sa Math. It's the worst subject at all time. Kahit anong branch o topic na tungkol sa Math ay hindi ko gusto. Dahil nakakasabog iyon ng utak. At dahil freshmen kami ay talagang kailangan kaming bihasin sa Math.
Niligpit ko na ang gamit ko at inilagay sa aking bag. Lilipat na kasi kami sa susunod na Prof, hindi ko din naman sigurado kung sino ang magiging sunod naming Prof dahil hindi ko naman ito binasa sa schedule ko. Ganoon ako kasipag magbasa.
Bumaba na ako sa ground floor ng building at umupo sa bandang gitna ng room. Nawalan na talaga ako ng gana para makinig sa mga lessons. Bukas ang pandinig ko ngunit sarado naman ang isip ko. Nagfla-flashback pa rin talaga ang nakita ko kanina sa restaurant. Hindi naman ako ganito sa ibang nakikita ko.
'Siguro, may gusto ako sakanya o tanga lang talaga ako'.
"Ms, Manalo. Are you participating?!" sigaw ng Prof namin na nagpabalik ng ulirat ko. Napapahiya akong tumingin sakanya at napatungo.
"Yes, Prof. Sorry." sabi ko dito at nakahinga naman ako ng maluwag ng marinig ang pagpapatuloy nito ng klase.
Kahit nasigawan na ako ng Prof ay lumalakbay pa rin ang isip ko. Hindi maipasok sa utak ko lahat ng sinasabi ng istriktang Prof na ito. Natapos na ang kanyang subject at maski isang salita ay wala akong naisulat manlang sa aking notebook.
Dali dali ko naman itong kinuha at nilagay sa aking bag. Habang ang mga kaklase ko naman ay inaayos pa muna ang kanilang mga gamit bago isakbit ang bag. Hindi ko na sila pinansin pa at hahakbang pa sana ako paalis ng may magsalita sa likod ko.
BINABASA MO ANG
My Love, Physique Edifice
Teen FictionAsturias Series #2 Physique Edifice, last line he said before leaving Blaire Sevaspiana Manalo. But what if the reason of his leaving are finding themselves? Will she be ready to cope up, or only the time will tell if there fate grip off. Their fate...