Chapter 24
I was busy doodling little things on my sketch pad when my phone ranged. Yuan's name flashed to my screen kaya sinagot ko ito.
[Architect! Tanong ko lang, kamusta progress no'ng restuarant na pinagawa ko d'yan sa Pinas?] tanong niya sa akin.
Last month ay ako ang inutusan niyang magpagawa no'ng pinapatayong restaurant niya. Tapos na rin 'yon at kulang na lamang ay ang gamit sa loob. Siguro ay papapuntahin ko roon si Tiffany na aming interior designer para palagyan ang gamit do'n.
"Tapos na siya, actually magpapapunta ako ro'n ng tao para malagyan na ng gamit na kailangan. Ask ko lang din, anong name no'ng restaurant kasi papalagyan ko na 'yon ng name sa taas no'ng building."
[Yuasha Restaurante de Realmonte. No need na ipa-register 'yan sa Munisipyo. Pina-asikaso ko na 'yon kay Osiah. Sige, 'yon lang naman ang itatanong ko. Bye.] sabi niya at pinutol ang linya.
Gaya nga ng sabi ko kay Yuan ay pinapunta ko na ro'n si Tiffany para tingnan ang lugar at siya ng bahala kung anong gamit ang kailangan. Parehas nasa London pa rin sina Atasha at Yuan ngunit batid kong mas mauunang umuwi si Yuan dahil may lalakarin raw siya rito.
Hindi naman ako tanga para hindi maramdaman na may pagtingin si Yuan sa aking kaibigan. I wonder, kung anong lagay nilang dalawa. Pangalan pa lamang no'g pinatayong restaurant ni Yuan ay nababtid na magkahalong Atasha at Yuan 'yon.
Ang pagkakaalam ko ay si Timothy ay nanatiling single no'ng umalis si Atasha. I've seen him on different programs in TV and he cleared that he's not dating anybody. Exactly two years ago, he topped the boards with an average 93.1 that is much more higher than the previous ones before.
Mas maagang kami nagsimula ng construction sa mga lote ni James. Siguro ay by the end of the year ay matatapos namin ang proyekto. Hindi naman na ga'nong ka-hassle ang trabaho ko dahil kakatapos na rin no'ng pinapagawang bahay ni Elisha.
"Biyernes santo ang mukha mo, Lucas. Ang pangit mo." asar ko kay Lucas matapos ko siyang makita sa site.
"Gago, ikaw ba naman kasi pagbantaan ng isang abogado, hindi ka ba matatakot? Inabutan ko lang naman ng hard hat takte binantaan na akong lumayo." problemadong sabi niya sa akin.
"Ha, nino?" usisa ko kung sino.
"Edi sino pa, si Atty. Sanchez." hindi maiitatangging apektado si Lucas.
"Ano bang banta ginawa sa'yo?" tanong ko pa sa kanya.
"Matatanggalan ako ng lisensya kapag nilapitan ko pa si Andra! Ampota, 'wag ka na rin lumapit sa akin baka masibak naman ako sa trabaho nito." sabi niya na talagang badtrip na badtrip na talaga.
Hindi tuloy ako pinapansin ni Lucas sa twing tatawagin ko siya sa site pero kapag nasa opisina naman kami ay siya pa ang pumupunta sa aking opisina para makipag-kwentuhan. Kaunti na lamang ay iisipin kong abnormal siya.
Nasa opisina ako at pinapaganda ko ang disenyo no'ng pinili kong bahay sa dati kong sketch pad ng maalala na kailangan kong tanungin si Lucas kung bakit si James ang nagdala no'ng arrox caldo sa aming mansion.
Hindi na ako nag-abalang kumatok man lang sa opisina ni Lucas dahil nakasanayan na naming hindi kumakatok sa kaniya-kaniyang opisina dahil madalas ay pumapasok na kami doon kaagad.
Ngunit kaagad akong nagsisi na kung bakit hindi ako kumatok. Nakita ko kasi si Daphne na nakatuwad sa mesa ni Lucas habang si Lucas ay may sinusulatan sa kanyang mga papeles hindi inaalintana si Daphne na bahagyang nagpapakita ng kaluluwa.
Umangat tuloy ang tingin sa akin ni Lucas at si Daphne naman ay inayos ang collar ng suot niyang bestida. Hindi ko inaalintana na sexy si Daphne ro'n kaya palaisipan na hindi ito magawang pansinin ni Lucas.
BINABASA MO ANG
My Love, Physique Edifice
Teen FictionAsturias Series #2 Physique Edifice, last line he said before leaving Blaire Sevaspiana Manalo. But what if the reason of his leaving are finding themselves? Will she be ready to cope up, or only the time will tell if there fate grip off. Their fate...