20

91 3 2
                                    

Chapter 20

"Ako." mariin na sabi ni James na nagpalingon sa akin sa kanya.

"Pardon? I might not heard that right." pagpapaulit ko sa sinabi niya sa akin.

His height was towering like ever. His built also were massive and more matured compare in our ages in college. Ang mga mata ay expressive pa rin gaya ng dati ngunit ngayon ay naitatago niya ang ilang emosyon na hindi ko nababatid sa mga mata niya.

I took a glance to my father that is calm yet brows are furrowed. Tila hindi siya makapaniwala sa nangyayari ngayon sa loob ng kanyang opisina. Gaya ko ay hindi ko inaasahan na dito ko muling makikita si James sa loob ng halos tatlong taon.

"Let me formally introduce myself to you. I am, Engineer. James Lauren Valdez." sabi niya na nagpalaki lalo ng mga mata ko.

Paano siya naging engineer kung isa siyang chef noong kami pa. Ang alam ko ay 5 years kinukuha ang pagiging Civil Engineer kaya palaisipan kung bakit ganoon kabilis siyang naging engineer kung halos magtatalong taon lamang simula ng nag-break kami.

Naglahad siya ng kamay sa akin na lalong kinabahala ng puso ko. Kung kanina ay gulat ang nararamdaman ko ay ngayon ay hinanakit dahil sa ginawa niyang pag-iwan sa akin sa ere dati. Umalis siya ng walang salita o dahilan. Iniwan niya ako sa saktong araw ng aming 4th year Anniversary.

I smile bitterly and took his hand. "Architect. Blaire Sevaspiana Manalo."

Tinanggal ko naman kaagad ang aking kamay sa kanya. Hindi ko kinakaya na magkaroon ng physical contact sa taong nang-iwan sa akin noon. Maraming nangyari simula ng umalis siya. At libo-libong memorya ang sumagi sa isipan ko.

"Is it true that James Lauren Valdez left you?"

"Blaire Manalo, anong masasabi mo sa biglang pag-alis ng boyfriend mong si James Valdez?"

"Totoo bang umalis si James Valdez upang tuparin ang pangarap niya sa España?"

Pati ba naman dito sa building namin nakakapasok ang mga reporters? Dederetso na sana ako papasok ng building ng BCM ng biglang hinila ang aking kaliwang kamay upang malapit na akong mabuwal sa kinakatayuan ko.

Ni-isa ay wala sa aking tumulong. Alam kong trabaho nilang mag-usisa ngunit ang sumusobra sila to the point na kaya na nilang i-tresspass ang privacy ko bilang isang tao. Hindi pa humihilom ang sugat sa puso ko ngunit agad-agad ay tinatanong na nila ang nangyari sa amin.

"Security." isang salita ko lang ay agad lumapit ang mga security ng building upang paalisin ang mga reporters na lumalapit sa akin.

Ngayon na nasa harap ko na ang taong sumira sa akin tatlong taon ang nakakaraan ay gusto kong sumbatan lahat ng nangyari simula ng iwan niya ako. Lahat ng nangyaring masama na paulit ulit nangyayari araw-araw. Lahat ng mga reporters nangahas na makaalam kung anong tunay na nangyari.

Gusto kong magtanong, sumigaw, basta malaman ko kung ano ang nangyari sa aming dalawa. Kung bakit niya ako iniwan ng walang pasabi. Ngunit hindi na lahat iyon worth it dahil nakikita kong kontento na siya sa buhay na mayroon siya ngayon. Masaya na siya.

Pero masaya na rin ba ako? Hindi ko alam.

Alam kong may kulang. Ngunit ang tanging magagawa ko na lamang ay ngumiti sa kabila ng nangyari sa akin noon. Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya sa akin ng lumabas na ako ng conference room. Hindi ko na kinakaya ang emosyon ko.

Pagkapasok ko sa aking opisina kung saan ako lang ang umuukupa ng buong floor ay dumeretso na kaagad ako sa aking table roon at tumungo doon. Doon ko iniyak ang mga luhang pinipigilan kong pumatak kanina mula ng makita ko siya.

My Love, Physique EdificeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon