Chapter 22
"Blaire, dito ka. Sige na dumito ka na." sabi sa akin ni Lucas pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa conference room.
Pinagmasdan ko ang nasa loob at ang tanging wala na lamang ay si Dad at ang ilang mga officers. Hindi ko alam kung anong mayroon at nagpatawag muli sila ng meeting tungkol sa restaurant na pinapatayo ni James sa amin.
Ang buong akala pa naman ay tapos na ang meeting tungkol roon pero wala e. Nagpatawag muli ng meeting. Ang sabi ay para ma-finalize na ang kontata at ang deed at kung ano pa. Pati ang budget ay dinamay pa nila.
"Ito na nga, o. Uupo na, badtrip." sabi ko at tumabi na sakanyang tabi.
"Bakit ba ang sungit, sungit mo?" pang-aasar niya pa sa akin.
"Pake mo." sabi ko sa kanya at umirap.
Maya-maya ay dumating na sina Dad kasama ang ilang investors niya sa kumpanya. Ganito ba talaga ka-special ang project na ito para papuntahin pa rito ang mga investors. At dahil dumating na ang mga ito ay siguradong matagal ang magiging meeting na ito.
Kailangan ko pa naman pumunta sa Ystrad para tingnan ang naging proseso roon. Gusto ko na ring tapusin ang final design ng bahay na iyon. Siguro ay uunahin ko na muna ang outline ng mga restaurant ni James bago ako doon pumunta.
Pinaikot-ikot ko na lamang ang ballpen na hawak hawak ko habang nakikinig sa nagsasalita. Bigla na lamang natigil ang sa tingin ko ay trainee sa aming kumpanya ng bumukas muli ang pintuan. Doon ko nakita si James na magulo pa ang buhok at wala pa sa ayos ang neck tie sa kanyang leeg.
Binalik ko na muli ang tingin sa harap at agad namang nagpatuloy ang nagsasalita. Si Lucas naman ay imbes na tumingin sa harap ay sa likod ang tingin. Napatingin tuloy ako gaya niya. Nakita ko si Daphne na nasa tabi ni James ngayon na animo'y kinikilig sa simpleng tingin lang na ginagawad ni James sa kanya.
"Hoy, titig mo. Baka matunaw si Daphne." asar ko kay Lucas na nagpatigil rito sa pagtitig kay Daphne.
"Anong matunaw? Pake ko diyan. Tsaka bakit ko 'yan titigan, break na kami hindi ba?" sabi sa akin at umirap pa. "Looks like she's enjoying your ex's company, kaya wala na akong pake sa kanya." bulong niya pa sa akin.
"Sige lokohin mo pa ang sarili mo, sige." sabi ko pa sa kanya. "By the way, sama ka sa akin mamaya. Pupunta akong Ystrad, doon na ako magdedesign ng magiging bahay ko, ah." sabi ko sa kanya.
Magsasalita na sana si Lucas sa sinabi ko ngunit sumenyas si James sa nagsasalita na tumigil muna at tumayo naman siya sa pagkakaupo. Buong taka naman siyang pinagmasdan ng buong team.
"Break muna, hindi ko kayang tingnan ang nakikita ko ngayon, e." sabi ni James at lumapit sa isang water dispenser sa gilid.
Tiningnan ko ang watch ko sa aking siko at nanlaki ang mga mata ko ng makitang 10:15 na. Pupunta nga pala ako sa Agustin para magsupervise doon dahil si Andra ay naka-leave ng ilang araw. Hindi ko alam kung bakit ngunit nasisiguro kong tungkol iyon sa nangyaring insidente noong nakaraan.
Lumapit ako kay Dad at hila si Lucas na pasasamahin ko sa akin ngayon. Coding kasi ngayon ang sasakyan ko kaya makikisabay muna ako kay Lucas. Katunayan ay sabay kaming pumasok kanina dahil sinabay niya ako.
"Dad, kailangan ko ng umalis. May pupuntahan akong site sa Agustin. Ako kasi ang sasalo sa project ni Andra roon, e. Sasama ko si Lucas dahil siya rin ang head doon." deretso kong sabi kay Dad.
"Sige, magpaalam kayo kay Engineer. Valdez na paalis na kayong dalawa." sabi ni Dad at umalis na sa harapan namin para makipag-usap sa isang lalaki roon.
BINABASA MO ANG
My Love, Physique Edifice
Teen FictionAsturias Series #2 Physique Edifice, last line he said before leaving Blaire Sevaspiana Manalo. But what if the reason of his leaving are finding themselves? Will she be ready to cope up, or only the time will tell if there fate grip off. Their fate...