Authors POV
Friday na at excited ang mga estudyante sa darating na intramurals sa Lunes.After ng klase ay nagkasundo sina Zarina na sabay kumain sa labas.Kasama sina Genesis at Miguel.Nang palabas na sila ng gate ay nakasabay nila ang mga kaibigan ni Acer pero wala ito.
"Hi guys, wanna come with us?Kakain lang kami sa labas kasi next week magiging busy na tayo."Yaya ni Zarina sa tatlo.Masaya namang sumang-ayon ang mga ito .
"Nasaan pala si Acer?"Aniya ng mapansing wala ang crush nya.
"Nasa practice.Pauwi na rin yun."Ani Paulo.Napatango sya.Pasakay na sila ng kotse ni Miguel at yung magkakaibigan ay sa kotse namn ni Paulo.Nang biglang marinig nila ang malakas na boses ni Acer.
"Please lang Shaina.Hindi nga ako pwede ngayon."Nakita ni Zarina ang reaksyon nito na halatang naiinis na sa kausap.Nakalabas na sa gate.Nasan namn kotse nito?
"Kahit ngayon lang?Gusto ka lang makilala ng kagrupo ko since magiging busy na tayo next week."Nasa boses nito ang determinasyon.
"Pagod nga ako."Anito at tila nagpipigil lang.Namumula na ito ngayon sa inis.Napailing si Zarina sa nakita kaya tinawag nya ito.Yayayain na lng nya na sa kanila sumama para tantanan na ni Shaina.
'Kawawa namn ang love ko'. sa isip nya .
"Hey, mr angry bird!"tawag ni Zarina. Napalingon sa kanila banda ang dalawa.Napakunot-noo namn ito at matalim syang tinitigan.Nakasimangot namn syang tiningnan ni Shaina.
"Kakain kami sa labas kasama sina Paulo.Ikaw na lang hinihintay."Nakangiti nyang sabi dito. Napabaling dito ang tingin ni Shaina .
"Wala akong--"
"Lalabas din pala kayo eh, ngayon lang namn ako humihingi ng pabor,"sabi ni Shaina na tila nagmamaktol.
"C'mon...ngayon lang tayo magbo-bonding."Muling wika ni Zarina.Base sa hitsura ni Acer ngayon ay galit na ito.Lalo itong namula.
"Ano na?Namumula ka na.Nagiging angry bi--"
"I'll go with you,"anito at hinila si Shaina pabalik sa loob ng campus.
Napatulala si Zarina sa nakita.
'Anong nangyari?'"Uh-oh!"Si Paulo.
"Tara na.Mukhang mas mag-eenjoy si Acer sa iba."May himig pang-iinis na sabi ni Henry.Nasimangot siya sa tinuran nito.
"Yan kasi.Parang ginalit mo eh."ani Genesis
. "Ba't ba kasi angry bird tawag mo dun?Nag-iisip ka ba?Crush mo tapos ganyan ang asta mo sa kanya?"Sabi namn ni Miguel.Nakasakay na sila sa kotse nito at siya ay sa backseat umupo.Nasa harap si Genesis.
"Ewan ko nga dyan.Samantalang kanina ko lang nalaman na crush mo pala sya.Gosh Zarina!Ang bopols naman ng moves mo."Pang-aasar lalo ni Genesis.Sinamaan nya ito ng tingin.
Hanggang sa pagkakain nila ay tahimik sya.Hindi nya akalaing pipiliin nito ang Shaina na yun.Ang sarap sabunutan ng bwesit!Nakakinis !
"Let's celebrate Zarina's heartbreak!"Nagtaas pa ng baso si Paulo na ang laman ay tubig.Napatawa ang lahat.
"Mga sira-ulo!"Natatawa na ring sabi nya.Pero hindi sya magpapatalo sa Babaeng yun.Vitamins nya iyon.Kailangan nya ang vitamins nya araw-araw at yun ay si Acer.
![](https://img.wattpad.com/cover/241185448-288-k492255.jpg)
YOU ARE READING
✓ Hey! Mr. Angry Bird ( COMPLETED)
RomanceCollege life is amazing!Who says not? You know why?Because I found him, my happy pill. I was 2nd year and he was in 4th year when I noticed him.And thats when the story begun. By the way, I'm Zarina Alarcon, 18 years of age and we're enjoying my col...