EPILOGUE

69 11 1
                                    

  Tahimik ang paligid.Napakadalisay ng paghampas ng alon sa buhanginan.Kalmado ang dagat maging ang hangin na dumadapyo sa balat ng mag-asawang kapwa nakaharap sa papalubog na sikat ng araw.

Nag-aagaw ang kulay kahil, dilaw at pula sa kalangitan na animo isang obra ng isang sikat na magpipinta.

  Matiwasay na nakaharap lamang doon sina Zarina at Acer.Isang buwan na rin silang kasal at ngayon ay nasa honeymoon stage pa rin sila. Masuyong iniharap ni Acer ang kabiyak sa kanya at pinakatitigan ang mga mata nito na nagniningning.  

Tama sila.When you're inlove, you looked young, you looked blooming and feeling hyped.
And he felt the same. Wala na syang mahihiling pa kundi ang masaya at buong pamilya.

   "Ang ganda ng tanawin dito."komento ni Zarina habang nakangiting muling ibinaling ang tingin sa papalubog na araw. 

"Mas maganda ka pa sa tanawin."ani Acer na nagpabaling  kay Zarina dito.

"You think so?"

    "I said so."ani Acer.

Nang unti-unti ng balutin ng dilim ang kapaligiran ay saka pa lamang sila kumilos para tumayo sa pagkakaupo sa buhanginan.

   "Do you like it here?"kapagkuwan ay tanong ni Acer kay Zarina. 

  "Very much! Nakakarelax dito.Ang ganda rin ng sunset."anito.
Nasa orbit resort sila ngayon.

  "I have another surprise."ani Acer na nagpangiti kay Zarina. 

"You're full of surprises.Di na matapos-tapos ah! What is it this time?"tanong ni Zarina na may pananabik.

   "I bought this resort for you.For us to be our love nest."saad niya.

   Napatakip ng bibig si Zarina sa pagkabigla.Napupuno ng saya ang puso nya.Emosyunal na niyakap nya si Acer at may nais rin niyang sabihin ang kanyang surpresa dito.

   "Acer."tanging nasambit nya sa sobrang galak at niyakap ito ng mahigpit.Saka sya nagsalita.

"I have a surprise too!"aniya.
Marahan syang inilayo ni Acer at magtatakang tinitigan.

   "Really?This will be the very first time you will make a surprise then."Tumango sya.

"I am three weeks pregnant."bigla nyang saad.

Halos hindi pa maproseso sa utak ni Acer ang tinuran ni Zarina.Kapagkuwan ay nagniningning ang mga mata nya sa walang pagsidlan ng saya.

Nagtatatalon sya at binuhat pa si Zarina sa sobrang saya.Kaagad nya namang ibinaba ang asawa at marahang siniil ng halik sa labi.  

"You don't know how glad I am. I feel beyond the happiness right now my nymph, Zarina. My only tamer nymph.You tame an angry bird like me."aniya na nagpatawa kay Zarina.

   "Oh yes, Ace! You're my angry bird turned into a tamed parrot."aniyang natatawa.Nakakunot-noo namang tiningnan nya si Zarina.

"Ano?May classification pa ako?Parrot talaga?"aniyang napapangiwi pa pero niyakap lang sya ng mahigpit ni Zarina.  

"Whatever you are, Whoever you are, I am so blessed to have you.You make my dull life into a wonderful one."Masuyong bulong nya sa asawang si Acer at hinigpitan namn ni Acer ang yakap sa kanya.

   "I love you Zarina! Always and only you."

"I love you too, Ace!"ganting tugon ni Zarina. 

"Hoohhh! Sobrang chessy! Walang forever!"dinig nilang sigaw sa 'di kalayuan.Sabay silang napalingon at nakita ngayon si Zendrick na hila-hila ni Genesis ang kabilang tenga at sapilitang isinasama dito.

   "Bitter ka kasi!"saad namn ni Genesis na nagpatawa sa kanilang dalawa. 

"That asshole! Hindi nya pa kasi nahanap ang true love nya."sabi ni Acer na nagpangiti kay Zarina.

   Oo nga naman! Hindi maiintindihan ng mga taong hindi inlove ang nararamdaman ng dalawang nilalang na kapwa pinagtagpo at pinag-isa ng tamang panahon.

                ***The End***

A/N: Sa wakas natapos rin! Salamat po sa pag-abalang basahin ito.Wala lang. Share ko lang.hehe!
Lovelots!

 ✓ Hey! Mr. Angry Bird ( COMPLETED)Where stories live. Discover now