Chapter 23

53.3K 1K 104
                                        

Everyone becomes blurry. Ang natitira na lang sa paningin ko ay ang larawan ng isang masayang pamilya.


The kids are happy. At nakikita kong masaya rin 'yung babae. There's sincerity in her eyes habang nakatingin siya sa mga bata—just like how I look at my children.


I was crying behind my sunglasses. I feel so jealous. Dapat ako 'yung kasama ng mga bata. I'm their mother. Ako dapat. Ako sana.


Tumingin ako sa ibang direksyon nang makita kong dumapo ang tingin nito sa direksyon ko. Kumunot ang noo niya sandali, pero bumalik din ang atensyon sa mga bata.


Hindi na ako nag-abala pang sundan sila nang makasakay na sila sa kotse. It's fine, Eli. May susunod pang araw.


I headed straight to the mall after the airport. It's almost lunch time, and I haven't eaten anything except for the cheesecake na hinanda ni Manang kanina. I'm also planning to buy some gifts for the kids since Christmas is coming. Hindi ko pa alam kung paano ko mabibigay, but I'll try every possible way.


I walked into Jollibee dahil ito 'yung unang nakita ko.


I smiled. Dito favorite kumain ng kambal.


I was silently eating my spaghetti when a group of kids suddenly entered. Agad akong lumipat sa mas tagong puwesto at umupo nang nakatalikod sa entrance. Marami pang bakanteng mesa sa harap, so baka doon din sila umupo.


Coincidence really strikes.


I told myself hindi ko na sila susundan, pero pagkakataon nga naman. It feels so nice too, parang kasabay ko na ring kumain ang mga bata.


But my smile faded when they sat right behind me. Literally behind me—nararamdaman ko 'yung pag-upo nila. The Jollibee seats are too compressed.


Mabilis kong tinapos ang pagkain ko. I need to get out of here. Kahit gustong-gusto kong magstay, I know I can't. Delikado na. Konti lang ang tao sa loob, and one mistake, they could easily recognize me. I don't want that to happen. Not now.


Kinuha ko ang panyo ko habang iniinom ang pineapple juice. Weird mang tingnan, pero I wore my sunglasses again. Wala na akong pakialam kung pagtitinginan ako ng mga tao.


Dahan-dahan akong tumayo para hindi masagi ang nasa likod ko. But wrong move, nalaglag ang panyo ko!


I was about to pick it up when a small hand reached out to me.


The girl was smiling, holding my handkerchief.


"Here, miss," she said softly, her voice barely above a whisper. It was like the voice of an angel.


Kinuha ko 'yung panyo sa kamay niya at ibinalik sa pouch ko.


"T-thank you," pilit kong iniba ang boses ko.


She nodded, so I gave her a small smile and left. Pagkalabas ko, nakahinga ako nang maluwag. How can this day be so playful? Kanina pa ako pinaglalaruan!

His Unwanted WifeMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon