Parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa nakita ko. Kita ko ang gulat sa mukha ni Mommy.Hindi ba niya inaasahan na darating ako?
Gusto kong magtanong—gustong-gusto ko—pero parang walang lumalabas na salita sa bibig ko. Ano bang nangyayari? Bakit hindi ko ito maintindihan?
"Mom..." bulong ko, halos walang tunog. Please, mom. What's happening?
"Eli..." tanging sagot niya. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Hanggang ngayon ba, may komunikasyon sila? Bakit hindi niya kayang aminin? Bakit hindi niya sinasabi sa akin?Matagal ko na itong iniisip—yung sa flower shop, at ngayon eto.
"You need to talk with him, 'nak. Please, para sa mga anak mo..." nagmamakaawa si Mommy.Napatitig ako sa sahig, ramdam ang pag-agos ng luha ko. Alam kong ito ang tama, pero hindi ako handa.
"Talk to him, Eli. You'll be fine," biglang sabi ni Daddy. Tumingin ako sa kanya, nag-aalangan. Tumango siya, parang sinasabing anuman ang desisyon ko, susuportahan niya ako.
"Iwan muna namin kayo," sabi ulit ni Mommy. Lalo akong nanigas sa kinatatayuan ko. Alam kong darating ang sandaling ito, pero hindi ko inasahan na ngayon.
Tahimik kami kahit ilang minuto nang nakaalis sila Mommy. Hindi ko magawang tumingin sa kanya. Wala akong nararamdamang galit, pero wala rin akong saya. Nakatitig lang siya sa akin, seryoso.
"How are you?" tanong niya, mababa ang boses. Napatuwid ako ng upo at sinalubong ang titig niya, kahit na parang nanghihina ang tuhod ko.
"A-ayos lang, ikaw?" sagot ko, pilit na pinipigilan ang pag-utal. Pero hirap ako.
"Same old days," tanging sagot niya. Tumango ako, hindi na umimik pa.
Aminin ko, naiilang ako. Pero parang wala lang yata sa kanya.
"Kamusta sila?" ako na ang nagsimula ulit ng usapan.
"They're fine. I already changed the twins' surname," sagot niya.
Ayos lang. Tama lang naman, may karapatan siya bilang ama.
Muling binalot kami ng katahimikan. Walang gustong magsalita, tanging tunog ng paligid ang naririnig.
Gusto kong itanong kung bakit siya nandito, bakit kausap niya si Mommy, at bakit parang napakakalmado lang niya sa kabila ng lahat.
O baka naman... wala talaga siyang pakialam?
"Your Mom said you're going back to Canada again..." bigla niyang sabi, sinira ang katahimikan.
Bumaling ako sa kanya. "After New Year," sagot ko.
Hindi na siya sumagot, kaya napabuntong-hininga ako. Ramdam ko ang bigat sa dibdib ko bago ako muling nagsalita.
BINABASA MO ANG
His Unwanted Wife
RomanceEli Mignonette vanished after two years of marriage with Logan Brandon. Leaving him with a shocking secret: she was pregnant with his twins! Now, Eli grapples with the weight of her choices, while Logan is left to raise his child alone. Their explo...
