Chapter 25

52.3K 1K 103
                                    

"Geez, kung alam mo lang gaano ka antipatiko ang kapatid mo! Me? Liliana Ylaijah Montes? May gusto sa kanya? Dream on, dude!"


Hindi ko maiwasang mapailing sa hinaing ni Lily. Kanina pa siya reklamo nang reklamo. Alas-diyes na ng gabi, pero hindi pa rin siya tumitigil. Paulit-ulit na lang! Tuloy, hindi ko na maintindihan ang pinapanood ko. First time ko pa namang manood ng K-drama!


Siya pa ang nagyaya ng binge-watch pero parang wala naman siyang paki sa palabas. Ang gwapo pa naman ni Captain Ri!


"Mabait naman 'yun, Lily. He's just... full of himself," sagot ko, hindi na rin nakatiis.


Ngumuya muna siya ng popcorn bago sumagot. "Mabait? Mabait bang pinaghintay niya ako ng tatlong oras?"


My brother is a general surgeon. Hindi basta-basta nagkakaroon ng oras, kaya siguro nababaliw na kapag nakakakita ng babae.


"Baka naman maraming schedule," tanging nasabi ko. Ayoko nang dagdagan ang insulto kay kuya. Baka makagat pa ang dila habang nasa operasyon.


"Change topic. What's your plan for Christmas?" biglang tanong niya, shifting her focus.


"Yan nga rin iniisip ko. Gusto kong bigyan ng regalo ang mga bata, pero paano?"


Humiga siya sa kama, malalim na nag-iisip. "Puwede akong magbigay ng gifts. Sabihin ko na lang na galing akong abroad, may pasalubong ako. What do you think?"


Possible, but... "Paano si Kelly? Nasa shop siya kanina, nakita niya ako."


Biglang lumaki ang mga mata ni Lily, napabalikwas ng upo. "Anong ginagawa niya roon? That bitch, ugh!"


Parang déjà vu. Si Kelly rin ang unang nakaalam tungkol sa twins noon. She spread the word hanggang lahat, nalaman na.


"And I'm afraid na baka ganun ulit mangyari ngayon."


"I'm done with that bitch! Alam mo bang nagkita kami sa isang fashion show sa Brazil? Lumapit siya sakin para lang sabihing, 'Tell your friend not to come back,' in that annoying American accent!" Lily exclaimed, eyes blazing with fury.


Bakit nga ba parang galit na galit sa akin si Kelly? Noon pa man, ramdam ko na. She changed—completely.


"Why did she become like that? Dapat nga tayo ang galit! Siya ang umalis, iniwan tayo. Tapos nung bumalik, parang ibang tao na!"


Napayuko na lang ako. Why, Kelly? Why do you hate me?


"She's heartless..." Lily's voice softened, eyes filling with unshed tears.


Nagulat ako nang makita siyang umiiyak. Lily rarely showed this kind of emotion, lalo na kapag si Kelly ang pinag-uusapan. Usually, she just cursed or ranted.


But deep down, I knew she still cared. Despite the anger, the frustration—she still cared for Kelly.

His Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon