How can a single day change your life so much?
Parang kanina lang, kakauwi ko lang. Ngayon, sila lahat nagpapakita na?
But despite everything, I don't know what to feel. I don't know what to say. Nasa harapan ko siya ngayon—my only friend who stayed. Yung kahit kailan, hindi ako hinusgahan.
I smiled sadly at her. "Lily..."
Nanlalabo na ang paningin ko sa luha. She's one of my greatest treasures. Isa siyang tunay na kaibigan.
She still hasn't moved from her spot. Gusto ko siyang yakapin, but I know she's mad. Sinong nga bang hindi?
Pero nagulat ako sa sunod niyang ginawa. She suddenly ran to me and hugged me tightly.Why?
Wala akong naramdamang galit mula sa kanya. She was just crying while holding me close.
"I'm sorry... I'm sorry, Eli... Hindi ko alam... I'm sorry..."
Why? Dapat ako ang humingi ng tawad. Dapat siya ang galit.
Mas lalo akong napaiyak sa sinabi niya. Hanggang ngayon, hindi pa rin niya ako hinuhusgahan. She's still the best friend I've always known. Wala siyang sinabing masama kahit minsan.
"Stop crying... okay ka lang ba?" tanong ko nang hindi pa rin siya tumitigil sa pag-iyak.
Umalis siya sa pagkakayakap at tinignan ako mula ulo hanggang paa.
"Ikaw? Ayos ka na ba talaga? Are you healthy now?" sunod-sunod niyang tanong.
Tumango ako, at napangiti na rin. "I'm really healthy now, Lily. Ayos na ako. Wala na 'yung sakit. Hindi na masakit. Everything's okay."
She hugged me again, tears streaming down her face.
"You did a good job, Eli. Tama lang 'yung ginawa mo. Don't blame yourself. Naiintindihan kita."Ano bang ginawa ko para magkaroon ng kaibigang katulad niya?
Pinaupo ko siya sa couch ng shop para pareho kaming makapagpahinga. Nagulat pa si Kitty at Mira nang makita kami na parehong mugto ang mata. Tumawa lang kami ni Lily at sinabing nag-iyakan lang kami dahil sa mini-reunion namin.
"Caramel macchiato pa rin ba gusto mo? My treat!" I said.
"Wow, nagbago ka na ha! Dati kuripot ka!" pabirong sabi niya.
I chuckled.
Ngayon ko lang napansin ang mga pagbabago sa kanya. She's always been beautiful, pero ngayon mas sharp na ang features niya. Noon, she had pale skin; ngayon, she's tanned, with makeup to match.
"Don't look at me like that, sis. I'm a model now!" she said proudly.
BINABASA MO ANG
His Unwanted Wife
RomanceEli Mignonette vanished after two years of marriage with Logan Brandon. Leaving him with a shocking secret: she was pregnant with his twins! Now, Eli grapples with the weight of her choices, while Logan is left to raise his child alone. Their explo...