Chapter 38

46.8K 1K 28
                                    

"Hija!" sigaw ni Manang nang makita akong bumaba ng kotse.


"Anong nangyari, Manang?" nag-aalala kong tanong sa kanya, na halatang balisa.


"Nasangkot siya sa car accident, hija! Naku, hindi siguro nag-iingat ang batang iyon!" pagpapanic niya habang nagmamadali kaming pumasok sa bahay.


"Ang mga bata ho, kamusta?" tanong ko, kabado.


"Iyan nga ang problema! Kanina pa umiiyak ang kambal, at ang panganay, ayaw lumabas sa silid niya!" sagot ni Manang, halata ang pagkabahala.


Napabuntong-hininga ako nang makita si Almira sa loob, pilit na pinapatahan ang kambal. Halata rin sa mukha niya ang pag-aalala, pauli-ulit na pasulyap sa taas.


"Eli!" Sabi niya, halatang naginhawaan nang makita ako. "I'm glad you're here! Hindi ko na alam ang gagawin sa mga bata..." sabi niya, halata ang pagkataranta.


Tiningnan ko si Lexi na humahagulgol sa sofa, at ganoon din si Lexus. Sinenyasan ko si Almira na puntahan muna si Lexus dahil mas mahirap patahanin si Lexi.


"Hey, baby..." mahinahon kong sabi habang tapik ko ang balikat niya. Tumingin siya sa akin, umiiyak. "Daddy..." bulong niya, at hindi ko na napigilang maiyak na rin. Ang boses niya'y maliit, malayo sa masayahing si Lexi.


"Hush, princess. Daddy's going to be fine, okay?" pag-aalo ko, pero patuloy pa rin siya sa pag-iyak. Wala na akong magawa kundi yakapin siya. Nang magbigat ang kanyang paghinga, nakahinga ako ng konti. Buti na lang at nakatulog din sila, kahit paano.


"Asleep na rin ba?" tanong ko kay Almira, na ngayon ay yakap na rin si Lexus. Tumango siya, pero kitang-kita ang sakit sa kanyang mga mata—parang may naalala siyang masakit.


"Are you okay? Is there something wrong?" tanong ko nang sunod-sunod na pumatak ang mga luha niya.


Agad niyang pinahid ang mga luha. "I just... I just remembered someone," mahinang sagot niya. Niyakap ko siya, hindi na ako nagtanong pa. Kung sino man ang taong iyon, sigurado akong mahalaga sa kanya.


Dinala namin pareho ang kambal sa kwarto nila para makapagpahinga.


"You should rest too, Almira," sabi ko nang mapansing namumutla siya. "Hindi makakatulong sa'yo 'yan. Kailangan mong magpahinga."


Umiling siya. "L-Liara's still..." Hindi na natapos ang kanyang sinasabi at lalo pa siyang umiyak. Halos sumabay na rin ako kay Manang sa pag-iyak.


"Please, Almira, rest. Don't worry, ako nang bahala kay Liara," sabi ko, at napilitan na rin siyang tumango.


"Thank you, Eli. Please make sure she's okay," sabi niya. Tumango lang ako, at inihatid siya ni Manang sa guest room. Sobrang nag-aalala ako, dahil galing lang siya sa ospital para sa treatment niya kanina.


Pinunasan ko ang mga luha ko nang umalis sila. Kanina pa ako gustong umiyak, pero pinipigilan ko. I need to be strong for them. Huminga ako nang malalim bago kumatok sa kwarto ni Liara.

His Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon