I wore my high-waisted jeans paired with a Balenciaga top. I can't explain how excited I am today!
It's been a week since I last saw them.
"Ready na, honey?" Mom suddenly asked. I put on a bit of blush-on to hide my paleness.I smiled at her. "Thank you, Mommy," I whispered.
"Don't mention it, princess."
I hugged her tight. Masaya ako na okay lang kay Mommy na dito mag-Pasko sila Daddy, kahit na alam kong hanggang ngayon, hindi pa rin siya komportable sa presensya ni Daddy.
Mom is the kindest person I know. Hindi ko alam kung paano ko siya mababayaran sa lahat ng ginawa niya para sa pamilya namin. Naalala ko lahat ng pinagdaanan niya noong bata pa kami. I can't help but be proud of her. Being a single mother is hard. Alam ko, kasi naranasan ko na rin ito.
Naalala ko noong bata pa kami, palaging late si Mommy umuwi. Hindi ko maintindihan noon. Why is Mom working so hard?
Hanggang sa narealize ko—Mom is the only one providing for us. Wala si Daddy para tulungan siya.
Lumaki kami na hindi kinapos sa pera, at ayaw ni Mommy na magbago iyon.
Don't worry, Mom. I'll help you. One of these days...
"Hindi ka sasama, Mom?" tanong ko nang mapansin ko ang suot niya—usual corporate attire. Sigurado akong buong araw na naman siya sa office.
"Hindi na, anak. Besides, may titingnan akong property sa Cagayan de Oro."
Our business is real estate, kaya laging out si Mommy. Hectic talaga ang negosyo namin.
My phone rang, and Lily's caller ID appeared on the screen. Agad ko itong sinagot.
"Nasaan ka na?" tanong ko agad. Kanina ko pa siya hinihintay. Sabi niya sasama siya sa akin buong araw dahil nababagot na raw siya sa unit niya.
"Daanan mo ako dito sa Starbucks, malapit sa subdivision niyo. I'm too tired to go inside."Napatawa ako. Dahil puro mansion ang nasa subdivision namin, magkakalayo talaga ang mga bahay. At sakto, nasa may dulo ang mansion namin.
"Diyan ba sa may bakery?" panigurado ko. Binaba ko ang tawag nang sumagot siya ng yes.Pinaandar ko ang sasakyan papunta kay Lily. Natatawa ako sa magiging reaksyon niya mamaya.
"Ang bilis ah!" bungad niya nang makita akong naka-park na. Nasa labas siya ng Starbucks, may bitbit na malaking paper bag, at may hawak na kape.
"Ano 'yan?" tanong ko, sabay turo sa dala niyang paper bag.
"Eto? Bread lang. Alam mo na, baka gutom si Tito dahil sa biyahe niya."
Natawa ako habang sumasakay sa kotse. May pa-bread pa, ha.
BINABASA MO ANG
His Unwanted Wife
RomansaEli Mignonette vanished after two years of marriage with Logan Brandon. Leaving him with a shocking secret: she was pregnant with his twins! Now, Eli grapples with the weight of her choices, while Logan is left to raise his child alone. Their explo...
