Chapter 30

50.9K 1K 108
                                    

Who would have thought that a normal girl like me would experience such a rollercoaster of a life?


Marami nang nawala sa akin. Maraming umalis, may mga hindi na babalik, at merong hindi ko na masisilayang muli.


But after all these years, bakit parang nadadagdagan pa rin yung sakit? Bakit hindi na ito humihinto? Bakit hindi na maalis sa sistema ko?


Ang gusto ko lang naman noon ay magustuhan ng taong gusto ko. Tama bang sabihin na kasalanan ko kung bakit ako humantong sa ganito?


"May dapat ba akong malaman, Mom?" tanong ko habang diretsong nakatingin sa kanya. Yumuko siya at iniwasan ang mga tingin ko.


"Ang sabi mo noon ay wala kayong komunikasyon, pero bakit ang dating sa akin ay madalas kayong nagkikita?" dugtong ko.


Nag-aalangan siyang tumingin sa akin at madalas na napabuntung-hininga. "Ang totoo, h-hindi ito ang unang pagkakataon. Sa loob ng isang taon, hindi ko na mabilang kung ilang beses kami nagkita," panimula niya.


Napalunok ako at napaiwas ng tingin. Para akong niloko sa mga nalaman ko. Nagawa niyang magsinungaling sa akin. Itinago niya ang katotohanang karapatan kong malaman.


Pero bakit? Para saan? Bakit kailangan umabot sa ganito?


"Alam niya rin ang nangyari sa iyo at kung nasaan ka. But I swear, I didn't tell him about it. Hindi ko rin alam kung paano niya nalaman," dagdag pa niya.


Natahimik ako sa sinabi nito. Is she saying that Logan investigated about me or hired someone to dig into my personal life?


My palms clenched. It's not impossible for him.


Ang hindi ko maintindihan ay kung para saan ang ginagawa niya. Vengeance?


Nagulat ako nang biglang lumuha si Mommy at naging sunod-sunod ang paghikbi nito.


"I'm sorry... I'm sorry, anak... hindi ko sinabi... hindi ko kayang s-sabihin sa iyo noon."


Nagtataka akong lumingon sa kanya. Bakit parang may kakaiba sa mga sinabi niya? Bakit parang may kailangan pa akong malaman?


"Please tell me e-everything, Mom. Naguguluhan na ako at hindi ko na alam kung anong isipin ko," sambit ko, hawak ang mga palad niya.


"I-ilang araw matapos mong umalis..." Huminto siya at mas lalong humagulgol. "Na... naaksidente si Lexus."


Tila nawalan ng tunog ang paligid at ang mga salitang iyon lang ang paulit-ulit na rumerehistro sa utak ko.


Naaksidente si Lexus.


Naaksidente si Lexus.


His Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon