Mugtong-mugto ang mata ko kinabukasan. Hindi ko nga alam kung anong oras ako tumigil kakaiyak. Nakatulugan ko na lang sa pagod.
Hindi ko rin alam kung paano ako nagtagal kahapon. Gusto ko na sanang umuwi, but I didn't want to spoil Yumi's school fair. Kahit sabihin niyang ayos lang, alam kong gusto niyang manatili kami.
Lumabas ako ng kwarto bandang alas onse ng umaga. Ayoko namang mag-alala si Mommy. Si Lily naman ay nasa condo niya sa QC.
"Mabuti't lumabas ka na, hija. Hahatiran na sana kita ng pagkain," bungad ni Manang pagkalabas ko ng kwarto.
"Si Mommy po?" tanong ko habang kinuha ang dala niyang pagkain at iginiya siya patungo sa dining area.
"Kanina pa nakaalis ang mommy mo. Alam mo namang marami siyang trabaho sa opisina."Hindi ko maiwasang malungkot. Matagal na akong hinihimok ni Mommy na i-handle ang kompanya, pero hindi ko talaga gusto ang ganoong klaseng trabaho, kahit na may experience na ako sa opisina noon.
Kanina pa nasa school si Yumi since day two ng school fair nila. Hindi na rin siya nag-abala pang yayain ako. Siguro naiintindihan niya. Magkakilala naman sila ni Liara at noon pa lang, magkasundo na sila.
Gumawa na lang ako ng chicken breast sandwich para sa mga staff ng flower shop. Idadaan ko iyon bago ako dumaan sa mall para bumili ng mga regalo. Sabay ring uuwi sina Daddy at Kuya sa susunod na linggo para dito mag-Pasko.
I smiled as the sunlight kissed my skin. What a bright day!
Suot ang simpleng white top at shorts, masaya akong pumasok sa kotse. I'm happy because of Dad's news. Huwag ko na lang isipin ang nangyari kahapon.
Naglagay na rin ako ng sunglasses sa pouch ko, just in case may makakita ulit sakin. Mahirap na.
Kumaway ako kay Mira nang makita ko siyang abalang nagsasalansan ng mga rainbow roses. Kitang-kita ko siya mula sa labas dahil glass ang harapan ng shop.
Ngumiti siya at kumaway rin. Pinagbuksan ako ng pinto ni Kevin, ang nag-iisang lalaking empleyado. Siya ang nagde-deliver ng mga bulaklak kapag maramihan ang order.
"Magandang tanghali, ma'am," bati niya.
Itinaas ko ang dala kong paper bag at iniabot ito sa kanya.
"Hindi rin ako magtatagal, Kevin. Ubusin niyo 'yan, ha?" sabi ko.
"Ma'am Eli!" sigaw ni Kitty na parang natataranta. May hawak siyang batang babae na nasa limang taong gulang siguro. Lumapit siya sakin, mukhang kinakabahan.
Anak niya ba ito?
"Ma'am, pasensya na po. Anak kasi ng... ng kaibigan ko. Ipinagbilin po sakin at wala akong mapag-iwanan kaya dinala ko na lang."
Tumingin ako sa bata at nakita kong tahimik lang siya. Mukhang hindi naman mahirap alagaan.Ngumiti ako kay Kitty para iparating na hindi ako galit. Nakahinga naman siya ng maluwag.
BINABASA MO ANG
His Unwanted Wife
RomanceEli Mignonette vanished after two years of marriage with Logan Brandon. Leaving him with a shocking secret: she was pregnant with his twins! Now, Eli grapples with the weight of her choices, while Logan is left to raise his child alone. Their explo...