Chapter 40

54.5K 1.1K 160
                                    

"Mommy! Mommy!"


Napabalikwas ako sa pagkakahiga nang marinig ang sigaw ni Liara. Agad akong luminga-linga, natataranta, pero nakahinga nang maluwag nang makita kong nasa tabi ko lang siya.


"Mommy, you're awake!" she beamed, excited. Tumango ako, may ngiti sa labi, habang napansin kong nakaligo na siya. Napatingin ako sa bedside clock.


Maaga pa naman ah?


"Are you going somewhere, baby?" tanong ko, at masaya siyang tumango.


"Guess what, Mommy?" she teased, eyes twinkling. Hummed in response lang ako. "Daddy's awake!"


"R-Really?" halos pabulong kong sagot, ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Her smile widened as she tugged at my arm. "Take a bath na, Mommy! I want to see Daddy!"


Natawa na lang ako at pinisil ang pisngi niya. "Fine, pero where's your siblings? Gising na ba sila?"


"Of course, Mommy! They're taking a bath na po and they want you to hurry!"


Nang makalabas si Liara, agad akong nag-ayos. It's been a week since Logan's accident. I'm happy na gising na siya, but now I have a different problem.


Everyone's talking about us. Sinasabi nila, nagkabalikan na daw kami.


Paano ko ba ipapaliwanag na we're actually planning to file for annulment? I think Logan was already processing it before the accident.


Even my family, they're all happy for us, and honestly, I want to tell them they shouldn't be.For the past few days, nakita ko kung gaano ka-close ang mga pamilya namin. Kulang na lang si Mommy tumira na sa ospital para lang makipagkwentuhan kay Tita.


Even Kelly seems to be doing better. Minsan, nakikita ko siyang ngumingiti.


But Logan and I, we've already settled this. Tuloy ang annulment. Napag-usapan na namin 'yon.Our families are expecting something—pero mali. I just want to stay civil with Logan after this. Gusto lang namin na maging maayos para sa mga bata.


It's about our children, not about us.


"Iha, pwede bang ikaw na magdala nito? Maiiwan muna ako dito para maayos ang bahay pagkauwi ni Sir Logan," sambit ni Manang sabay abot ng paper bag. Sinilip ko 'yun at nakitang mga damit.


"Sige, Manang, mauna na po kami. Nagmamadali na ang mga bata eh."


Nakangiti si Manang habang hinahatid kami hanggang sa labas.


"Lexus, what's that?" tanong ko nang makita kong may hawak siyang kahon. Inayos ko muna ang seatbelt ng mga bata bago ako pumuwesto sa driver's seat.


"Lego castle, Mommy! I made this with Daddy pero di pa namin natapos... " Biglang lumungkot ang boses niya kaya't napabuntung-hininga ako.

His Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon