Prologue

9.5K 352 116
                                    

"Rain, rain. Go away, come again chumenilyn." Ang bulong ko sa sarili habang nakatingala.

Ngayon ay kulay abo ang langit. Ang madilim na ulap ay mabilis na gumagalaw sa ibabaw ko. Samantala, papalamig din nang papalamig ang hangin na yumayakap sa mga braso ko. Halatang nagbabadya ang paparating na hagupit ni Bagyong Choleng.

Nag-cross fingers ako. Madaan ka sana dito, Choleng. Grabe ka na!

"H'wag ka talagang uulan, shutacca . . ." Para na akong baliw na nakangiti sa langit nang may pagbabanta. "Kung ayaw mong pusunan kita, Choleng ha?"

Pero para bang naintindihan ako nito, biglang kumidlat. Halos napatalon talaga ako sa gulat nang sinundan iyon ng malakas na ugong.

Punyeta, attitude 'yarn?!

Hinampas ko ang hangin. Nakatingala pa rin ako. "Uy, ito naman! Hindi ka na mabiro, sige na! Ulan ka na!"

Napangiwi ako. "Ulan ka lang! Jino-joke time ka lang naman, galet na galet agad? Bawal mag-joke sa mundo? Nakakamatay?"

Hanggang sa bigla na lang akong napangiwi. Para nga talaga akong naiintindihan ng langit nang biglang lumakas ang hanging yumayakap sa braso ko. Sa payat kong katawan ay halos tangayin talaga ako nito.

At dahil maiksi ang dress na suot ko, wala akong magawa kung hindi ang tiisin ang lamig. Kahit na namumuot ito sagad sa buto ko, pinilit kong kayanin kasi kung hindi— wala lang. Hindi naman ako maganda para mag-inarte!

Pero bigla talaga akong nataranta nang magsimula nang bumagsak ang malalaking butil ng ulan. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Na-warshock ako nang bongga. Napa-side step ako nang wala sa oras! Nagpalinga-linga ako para makapaghanap ng masisilungan. The last thing that I want right now is to sing Basang-Basang sa Ulan by Aegis in the middle of the rain!

Pero wala. Shemay, wala!

Nasa gitna kasi ako ng park ngayon at wala ni isang masisilungan sa parteng ito. Kung tatakbo naman ako papunta sa gate, mababasa pa rin ako. Kung sisilong naman ako sa puno ay wala pa rin! Sa lakas nito ay paniguradong basang sisiw ang magiging drama ko nito!

Lahat ng naiisip kong solusyon ay dinadala ako sa ideyang no choice ako. Na mababasa pa rin ako ng ulan kahit ano pang gawin ko. Na sumuko na lang ako sa buhay. Na mag-give up na lang ako— huy! Hindi ka magiging sad ghorl vebs!

Pero teka! Taena naman, puro kalokohan ang naiisip ko! Punyemas na ulan kasi 'to, ang timing lang?!

Choleng, ang epal mo! Bakit kasi hindi mo ako in-inform agad para sana, nakapagdala man lang ako ng payong 'di ba?! Summer na summer, e-epal ka?! 'Di ka love ng parents mo?!

Iniwasan kong irapan ang ma-attitude na langit, baka kasi mas humagupit pa ito. Knowing na sobrang attitude nito ay mananahimik na lang ako. Nagmadali na lang akong tumakbo papunta sa gate.

Pero huli na talaga ang lahat. Ang ulan ay palakas nang palakas sa paglipas ng mga segundo. And before I even knew it, nababasa na ako nito.

"Shet! Ang cell phone ko!" Halos mangiyak-ngiyak na ako habang pinoprotektahan ang gadget ko. Pero walang magagawa ang kamay ko, patuloy ang pagbuhos ng ulan. Tila ba ito isang malaking shower.

Nataranta na talaga ako!

Hindi ako mayaman. Wala akong pangpalit sa cell phone ko. Paniguradong patay na naman ako nito kay Mama kapag nasira ito—

Wait . . .

Napakurap ako nang maramdamang hindi na pumapatak sa katawan ko ang ulan. At nang tumingala ako ay nakita kong may pink na payong ang nasa ibabaw ko ngayon. Pero napalunok na lang talaga ako nang malala nang ibaling ko na ang tingin sa nagmamay-ari nito.

My gaze met his brown eyes.

Shet, afam siya vebs . . .

He has this slight smile as I found myself admiring his perfect lips. Pink ito, kakulay ng payong niya. Then my gaze went to his sharp jaw and his thick eye brows. Ang isa nito ay putol sa dulo. Pero above all, nakakainggit ang haba ng kanyang mga pilikmata.

His face . . . is perfect.

Napalunok na lang ako ng laway . . . Vebs, bakit ang gwapo naman yata? Bakit ganiyan siya? Bakit nakakarupok siya— but then again, marupok na naman ako so, ehe!

Then a ball of electricity hit my core when he started to open his mouth to speak.

"Hey, Miss." aniya.

Husky ang boses niya. Iyong hindi naman siya umuungol pero bakit parang ang sherep sa tainga? Bakit bigla yatang uminit kahit umuulan ngayon? Bakit ang landi ko na?!

"Where are you heading, hatid na kita?" Even his accent, gosh. Halatang hindi siya dito lumaki sa Pinas. Mas prominente kasi ang American accent niya.

"It appeared like the rain won't stop. Hindi kita kayang iwan dito."

Concern 'yarn?!

Pigil na pigil ang ngiti, gusto ko siyang hampasin sa kilig! Marupok ako, oo na! Bakit naman kasi ganiyan? Bakit parang ang ganda ko naman sa araw na ito?

Enebe?!

Prung shira 'to sha!

Prung gaguh ihh!

Prung shiraulo telege!

Casually CruelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon