"Bakla—" natataranta, humarap ako sa mismong mukha ni Angelo. Nanlalaki ang mga mata ko. Ganiyon na rin ang butas ng ilong ko.
Napapakurap lang naman siya. Para ba siyang nabigla or natakot or nandiri sa mukha ko. May mga moment pa nga na para bang maduduwal siya nang bongga. Raulong 'to talaga.
"Iyong panty ko, lumipad na yata! Ang gwapo niya kase!" Nahampas ko siya habang tumatawa nang malakas. At dahil may dugo siyang bakunawa, aba gumanti!
Imbes na makipaghampasan sa kanya, I gathered enough time to compose myself. Inayos ko ang buhok ko. Sinuklay ko ito gamit ang mga daliri ko. Plinantsa ko rin ang polka dots kong palda gamit ang palad. At ang huli, ang t-shirt kong may burda ng salitang "Maganda" na baybayin.
"Ang ganda ko ba?" Nag-beautiful eyes ako.
"Hindi, gaga ka talaga." Inirapan ako ng bakla. Gusto ko siyang sampalin, indennial talaga ang hinayupak!
Lumingon na lang uli ako doon sa lalaking nakatadhana sa akin—char!
Pero . . .
Pero.
Pero putspa.
Noong makalingon na ako, para akong binagsakan ng lupa sa bagang. Nanlumo ako. Nalungkot ako nang bongga. Gusto kong manampal sa lungkot.
Bakit bigla siyang nawala?
Nagpalinga-linga ako sa paligi pero hindi ko talaga siya mahanap.
May sa-multo ang gwapong iyon, ha? Wala pa man din, ghinost ako agad?!
Shuta?!
"Gaga ka kasi, inarte pa more! Nakawala tuloy si afam. Kasasakay lang niya sa bus nung lumingon ka, tanga." Tawang-tawa si bakla. "Afam na nga, naging nganga pa. Ang tanga mo talaga!"
Inirapan ko siya at saka pinaghahampas sa braso. Siraulong 'to!
Nakasimangot, I started to grab ahold my phone. I directed my way towards the FB Page of Western University Confession again.
Kung hindi kita makuha sa santong dasalan, kukunin kita sa santong post-post-an! Leche ka!
BINABASA MO ANG
Casually Cruel
General FictionTanya Vergara, an underweight college girl, will do everything to meet the guy with the pink umbrella again. It was love at first sight for her and she is willing to risk it all just to meet that stranger once more- yes, even if it means humiliating...