33

2K 113 24
                                    

"Mga bakla, liligawan na niya ko!" Ang sigaw ko kina Bernice at Angelo. Ang dalawa naman ay pareho akong tinitignan nang may pagka-asiwa.

"Oy, mag-ingat ka." nabatukan ako ni Bernice na tabatchoy. Sa bigat ng kamay niya ay natakot akong mababalian ako ng leeg. Letche siya, naubo tuloy ako!

"Sa internet mo lang iyan nakilala, hindi mo alam ang tunay na pagkakakilanlan ng lalaking iyan." Akmang babatukan niya uli ako noong nagmadali akong lumayo sa kanya. "Mamaya niyan, killer pala 'yan. Gaga ka."

"Ikaw naman, baklita ka. Napaka-kontrabida mo." Ang siyang pag-irap naman ni Angelo na siyang ikinagulat ko. Luh, kampi siya sa akin ngayon? Anong nakain nito? Tae? May himala?!

I am on my Luh face as I continued staring at him.

Nagpatuloy siya. "Basta ako, doon ako sa kung sasaya itong kaibigan natin. Ngayon ko lang siya nakitang ganiyang kasaya and she deserves it," ngumiti siya at hindi ko napigilan ang ma-touch. Baklang 'to!

"Afterall, kailangan niya 'yan. Kailangan niyang kiligin kasi hindi ka ba naaawa? Kalansay na 'tong friend natin, baka iyang si afam ang mag-motivate sa kanya para tumaba na."

Bigla akong sumimangot.

"Natatakot na kasi ako. Baka kasi isang hangin lang ang papatay diyan. Mukhang isang ubo na lang, oh." Naaasiwa na niya akong tinitignan ngayon. Tinuturo pa ako gamit ang tinidor.

Shuta siya!

Nabatukan ko nga!

Nagpakawala ng malalim na hininga si Bernice. "Basta ako, hindi ako nagkulang sa paalala. Bahala kayo." Pinili na lang niyang kumain habang ako ay abala sa pananakit sa baklang anak ng tubol!

Casually CruelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon