10

2.7K 193 57
                                    

Buong gabi na akong nakabusangot sa harap ng screen ko. Shuta, ang choosy naman ng papabol na iyon! Papatayin yata ako sa paghihintay?! Aba, kung hindi ka lang jowable, tatantanan kita!

Gaga!

Umirap ako sa screen.

At some point, gusto ko pa ngang sampalin ang phone ko sa inis. Ewan ko ba, minsan nababaliw na rin ako.

Minabuti ko na lang na libangin muna ang sarili ko. Nanood ako ng Youtube videos. Dahil sadista ako sa sarili ko, ASMR ang napagdiskitahan ko. Wala lang, gusto ko lang i-torture ang sarili ko habang pinipigilan ko ang antok ko. Trip ko pahirapan ang sarili ko ngayong gabi, eh.

Makalipas ang ilang oras, nag-decide na akong itigil na ang talaga nga namang pagpapahirap sa sarili ko. Bumalik ako sa Facebook. Bored na bored akong kinlick ang FB Page ng Western University Confession.

Nag-scroll ako. Dahil medyo nag-trending ang Page at dumagsa ang pagpapadala ng mensahe sa page na iyon, marami ang nilagpasan kong posts bago ang sa akin.

At noong makita ko na ang post ko, nanlaki ang mga mata ko dzai.

Pucha, bakit 200K reacts?!

Napapakurap, agad kong pinindot ang comment area ng post.

And from there . . . Labis ang paglaki ng mga mata ko. Napatayo ako nang wala sa oras. Nagising ang pagkatao ko at wala akong nagawa kung hindi ang pigilan ang sarili kong mahimatay!

My heart went oops!

Napa-woah ako nang bongga, dzai!!!

Brandon Wright
Am I the one you are talking to, Ms. Ate Mo Blue?

Nanginginig pa, I hit the profile button. At talagang lalong nanlaki ang mga mata ko. May mga minuto pang kailangan kong hawakan ang panty ko. Tiyak kasing liliparin ito ano mang oras!

Casually CruelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon