68

2.1K 104 19
                                    

Pinilit kong sarilihin ang sakit. Ang pagkabigo. Ang pagpahiya hanggang sa makarating na ako sa kwarto ko.

Pinilit ko.

Sobrang pinilit ko.

Pero noong oras na masaraduhan ko ang pinto ng kwarto ko ay napasandal na lang ako doon. Noong mapaupo ako ay kusa na lang bumuhos lahat ng luhang kanina ko pa pinipigilan. Narinig sa apat na sulok ng kwarto ko ang pagkahulgol na kanina ko pa itinatago.

I was devastated at myself. Not for Brandon. Kasi bakit sa kanya, eh ako itong tanga na mataas ang pangarap. Na sino lang ba ako? Payat. Hindi kagandahan. Isang ubo na lang kung kanilang laiitin.

Maybe, I was just a game for him.

And I was too dumb to not realize it sooner.

I am too naive to know better.

In short, I am stupid. A dumb. A girl who is so clueless. A girl who is nothing but a clown. Fuck this clown.

Humahagulgol akong tumayo. Nagtungo ako sa kama ko. Humiga ako. At doon, umiyak ako nang umiyak hanggang sa makatulog.

Casually CruelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon