Three Hours After
"Hep! Oo na, matagal na nga. Maghintay ka nga, pwede?!" Hindi ko na napigilan ang katarayan ko noong muling bumalik ang waiter. Isa na lang talaga, babatuhin ko na siya ng plato. Letche siya!
Noong muli napapangiwi siyang bumalik sa pinaroonan niya ay sakto namang lapit sa akin nina Bernice at Angelo. Parehong nag-aalala ang mukha nila.
"Hoy, kalansay. Mukhang inindian ka ng gago." Nakasimangot si Bernice.
Sinimangutan ko rin siya. "Ano ka ba? Hindi 'yan! Baka na-late lang siya. Ito naman."
"Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Angelo. Walangya, lumaki yata boses niya?!
"Okay lang, bakla. Ano ba, bumalik na nga uli kayo sa pwesto niyo!" I shoo them away.
"Pero—"
"Walang pero-pero, shoo!"
Doon ay wala silang nagawa, pareho silang bumalik sa kanilang pwesto. Sinigurado kong hindi nila ako nakikita noong magbuntong hininga ako.
Nasaan ka na ba kasi, afam?
BINABASA MO ANG
Casually Cruel
RomanceTanya Vergara, an underweight college girl, will do everything to meet the guy with the pink umbrella again. It was love at first sight for her and she is willing to risk it all just to meet that stranger once more- yes, even if it means humiliating...
