73

750 63 10
                                    

"Oh, ano na bakla? Bomba na!" Ang bungad sa akin ng baklitang si Angelo nang makaupo na ako sa paborito naming tambayan sa harap ng school. "Kamusta ang buhay-buhay?!"

Humikab ako, "sakto lang."

"Ay, ang OA ng pagkanon-chalant?!" Dinuro niya ng tinidor si Berna na ngayon ay nangungulangot sa gilid ko. Ang dugyot! "Ikaw Berna, kamusta ang buhay bukod sa kulangot na binibilog-bilog mo ngayon—ay putangina naman!"

Nagtatalon at nagdabog ang baklita nang pitikin ni Berna ang kulangot sa kanyang direksyon, "napakababoy mo talagang baboy ka!"

Napangiwi na lang ako. Bakit ko ba sila naging kaibigan? More exactly, bakit hanggang ngayon, kaibigan ko pa rin sila?!

Tatawa-tawa si Berna, "oks lang naman ako, bakla. Heto, naghihintay na lang ng easy Iphone 16 ko sa Graduation next week. Ito kasi ang gift nina Mama sa akin."

Sa narinig ay may kung anong kirot ang kumurot sa dibdib ko. Hindi ko maiwasang maalala ang mga magulang ko. Si Mama, kahit na napaka-maldita n'on, paniguradong siya ang pinaka-proud sa Barangay namin kapag naka-graduate na ako. Baka nga ipagpatay pa n'on ako ng baboy at anyayahan ang lahat ng kakilala niya. Tingin ko nga, ipapa-tarpaulin niya pa ang pa-congrats niya sa akin.

Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko.

"Hoy," Berna bumped her shoulders on mine, "doon ka na lang sa amin sa graduation sabi ni Mama. I-celebrate niya raw ang Graduation nating dalawa."

I don't know what to feel.

"Tingnan ko, Yobab," I forced a smile, "may plan yata si Zakros for my Graduation," and I lied. Wala namang pakialam ang lalaking iyon sa Graduation ko.

"Ay pakak! Butihing asawa ang atake niya?!" Napahampas si Angelo sa ere, "ay alam mo ba! Nakita ko nung nakaraan ang post ng boylet mo. Eng sherep!"

Kumunot ang noo ko sa kanya at sumubo ng pansit na nasa harapan ko, "anong post naman 'yon?"

Kinuha niya ang cell phone. "Ayan, oh!"

 "Ayan, oh!"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 3 hours ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Casually CruelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon