"Hello, Brandon!" Ang una kong sambit noong sagutin ko na ang video call. Ang pabebe ng boses ko to the point na parang pipiyok na ako sa kaartehan!
"Uhm," sa narinig ay napa-kisap mata si afam. Tila bang hindi inaasahan ang marupok kong pagbati.
"Ang pabebe talaga ng ungas na 'to." Iritang patutyada ni Bernice.
"Oo, ang sarap itapon sa kanal." Dagdag naman ni Angelo.
Pero wala akong pakialam sa kanila. Nagpatuloy ako sa pagpapabebe kay afam. Naghe-hairflip na ako to the highest level!
"Beket nepeteweg ke?!" I continued.
Nagpaka-OA na ako, putaena sila! Ayoko talaga ng hinahamon ang pagmamahalan namin ng afam ko! Hinampas ko ang lamesa kaya't napatalon sa gulat ang dalawang ugok na nakasimangot sa harap ko.
"Putangina, nakakahiya ka." Ang gigil na bulong ni Bernice bago niya ako batuhin ng bottled water. Nakuha na kasi namin ang atensyon ng mga taong bumibili dito sa 7 Eleven.
Doon lang ako natauhan. Bigla akong nahiya NANG slight lang naman.
"Ay, afam I am with my friends pala, ehe!" Hinawi ko ang buhok ko bago nag-beautiful eyes sa kanya. "Here sila, oh!"
Hinarap ko kina Angelo at Bernice ang camera. At hindi nawala ang simangot sa kanilang mga mukha.
"Hoy, ikaw na lalaki ka. Tapatin mo nga kami, naka-drugs ka ba at nahulog ka dito kay Tanya." Ang pagbati sa kanya ni Bernice.
Gusto kong manakit . . .
"Nope, I am really inlove with your friend. She's exactly my type." Ang pag-disagree naman ni afam. Nakangiti siya ngayon. Sobrang lalim ng dimples! Ugh!
"Nagayuma 'to." Malambot na itinuro ni baklitang Angelo ang phone ko. "Sabi ko na, may sa mangkukulam itong si Tanya."
Kaunti na lang talaga, mananakit na ako ng baboy at kabayo!
"Mahal na mahal mo talaga si Tanya?" Hindi makapaniwalang tanong ni Bernice. "Sure ka na diyan? Kung oo, bakit ka sure?" Halatang pinipigilan niya ang mapatawa.
"Gago!" I mouthed pero hindi nila ako inintindi.
"Yes, sobra." Conyong sagot naman ni afam.
"Talaga ba?" Ani Angelo na nakataas na ang kilay.
"Yes po."
"Sure na talaga? Pwede pang umatras."
Afam laughed huskily. It was really sexy. "I am telling you guys, I am really in love with your friend. Walang halong lokohan."
"Oh sige nga. Kung mahal mo talaga itong si Tanya, puntahan mo siya. Makipag-meet ka sa kanya." Bernice glanced at me. "That way lang kami makakasiguradong malinis talaga ang intention mo sa kanya."
Ilang segundo kaming binalot ng katahimikan. Para bang may dumaang anghel.
I blinked.
I swallowed hard.
Teka, 'di ako ready d'on teh.
"Sure, I am actually planning to. I'll be there, maybe next week."
Nanlaki ang mga mata ko, dzai!
Ano raw?!
BINABASA MO ANG
Casually Cruel
General FictionTanya Vergara, an underweight college girl, will do everything to meet the guy with the pink umbrella again. It was love at first sight for her and she is willing to risk it all just to meet that stranger once more- yes, even if it means humiliating...