"Hoy, kalansay." Binatukan ako ni Bernice. Naalog talaga ang utak ko, dzai!
"Basta kapag minanyak ka ng tarantadong iyon, sumigaw ka lang ng Salamat, Shopepe. Nandoon lang kami." tinuro ng nguso niya ang table mula sa hindi kalayuan sa pwesto ko. Nandoon ngayon ang kabayong si Angelo, kumakain ang bakla. Walang pakialam sa akin. "Tuturbuhin agad namin ang lalaking iyon kapag may ginawa siyang kagaguhan sa 'yo."
"Oo na! Oo na!" I shoo her with matching pabebeng hawi ng buhok.
Sa ginawa ko ay sumama ang mukha niya. Napapairap na lang siyang bumalik sa table nila ni Angelo. Ngayon ay para silang mga spy. Naka-all black ang mga gaga. May pagsuot pa ng shades, gabing-gabi naman! Parang mga tanga!
Nakakainis naman kasi talaga ang mga 'to! May pagsama pa sa akin, as if naman gagawan ako ng kasamaan ng afam ko? Mabuting tao kaya ang future husband ko no!
At saka kapag talaga hindi natuloy ang pa-hotel namin ni afam mamaya, tuktukan ko sila hanggang mategi sila!
"Want some juice, Ma'am?" Ang biglang sulpot ng waiter. Ang sosyal naman kasi talaga dito sa restaurant na napili ni afam. Parang 'di kaya ng pagkatao ko.
"Ah, sure po." Awkward akong ngumiti. Hindi talaga ako sanay!
Noong malagyan na ng orange juice iyong baso kong pangmayaman ay nag-excuse na ang waiter. Hindi ko alam ba't siya nag-excuse, hindi naman siya dumadaan. Gulo.
Humigop na ako sa juice and swear, sa utak ko ay binabash ko na ang Restaurant na ito. Ang mahal mahal ng service, Tang lang naman ang juice. Tangena. Tumawa ako nang malala sa utak ko.
Matapos ay huminga ako nang malalim. Nagpalinga-linga sa magarbong hitsura ng buong restaurant.
Matapos ay ngumiti ako nang mapadako ang mga mata ko sa entrance.
Shet . . .
Si afam na ba 'yorn?!
BINABASA MO ANG
Casually Cruel
General FictionTanya Vergara, an underweight college girl, will do everything to meet the guy with the pink umbrella again. It was love at first sight for her and she is willing to risk it all just to meet that stranger once more- yes, even if it means humiliating...