26

2.2K 143 65
                                    

Pasalampak akong nahiga sa kama ko. Isinalya ko sa kung saan ang bag ko. Kagagaling ko lang sa bonding—teka more on bardagulan with my friends pala at hindi ako natutuwa. Ang dami kasi talagang ebas nung dalawa. Hindi na lang matuwa sa pag-iibigan namin ng afam ko!

Muli kong kinuha ang cell phone ko para i-check kung nag-message na si dArAytwAn_28. Pero hindi. Hindi pa ren. Kainaman. In-inboxzone at seenzone niya pa rin ako. Iyon ang dahilan kung bakit ako biglang napabusangot!

Tumayo ako mula sa kama ko. Iniharap ko ang cell phone sa mukha ko at inimagine na ka-videocall ko si dArAytwAn_28.

"Ikaw!" Dinuro-duro ko ang cell phone. "Magmula ngayon, malaya ka na! Magagawa mo na ang lahat ng gusto mo! Tapusin na natin 'to! Oh, tama na!"

Ay, kanta yata 'yon?

Patuloy ako sa pagbusangot. "Pero seryoso na talaga ako, afam. Hindi na uli ako magiging marupok sa 'yo. Paasa ka, leche ka!"

Isinalya ko ang cell phone sa kama ko. Matapos ay nagpunta ako sa closet para kumuha ng damit. Maliligo na lang ako habang nag-mu-move on!

Pero noong makakuha na ako ng damit, bigla namang nag-ring ang cell phone ko. At mabilis pa sa alas-kwatro ang ginawa kong pag-hablot dito.

From what I saw on the notification, hindi ko sinasadyang napahawi ako ng buhok in my most pabebe way.

MESSENGGER

Brandon Wright
Slr, I didn't mean to seenzone you.

Nagtatalon ako sa kilig, dzai!

Casually CruelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon