"Oh, kamusta na iyong kalandian mo. Iniwan ka na?" Ang bungad sa akin ng mahaderang baboy—este ni Bernice noong makapasok na ako sa 7 Eleven, ang usual tambayan ng mga character sa Wattpad. Char!
"Ang nega mo, dzai!" Napakamot ako sa bunbunan ko. Na-stress ako sa tabatchoy—este babaeng 'to!
Ang baklitang si Angelo naman ay tawa nang tawa habang humihigop ng slurpee. Nabato ko nga ng tissue!
"Kasi naman, parang hindi naman kasi kapani-paniwala ang nangyari sa 'yo." Bernice continued. Halata ang pag-aalala sa kung papaano siya napabuntong-hininga. "Ayoko lang masaktan ka—"
"Ay pucha! Nakaka-attach ka naman!" Umakto ako nang parang naiiyak. Tumingin ako sa itaas at saka pinaypayan ang mukha ko.
"Jusko, grabe ka na 2022. Baket ka ganiyan!" Ang pagpapatuloy ko habang peke nang humahagulgol.
"Tanamo, lokohin ka sana niyan!" Binatukan niya ako at dzai, natakot ako. Sa taba ng braso niya ay muntik nang mapugot ang ulo ko!
"Ano ka ba, Bernice. Hayaan mo na. Mukha namang mabait iyong si afam." Tinantanan din sa wakas ng bakla ang nakakasuklam niyang pagtawa. Humampas pa ito kay Bernice na siya namang ikinakunot niya ng noo.
"And paanong nakakapagtaka iyong magustuhan siya ng ganoon ka-gwapo? Remember Zakros? 'Di ba pinatulan siya n'on dati—"
"Ay, wow! Makapagsalita ang bakla! Parang wala ako sa harap niya? Harap-harapang pangbabastos ba ituh?!"
Pero ang bakla, mukhang wala nga talaga ako sa harap niya! Hindi niya ako inintindi. Bagkus ay nagpatuloy lang siya sa litanya niya!
"Saka, ano naman kung masaktan itong si Kalansay—este Tanya." Nginitian niya ako. "Eh, diba part naman iyon ng love? Masasaktan ka, pero ang mahalaga ay masaya ka. Masaya kang nasasaktan and that's what I called . . ."
Kaunti na lang papatayuan ko na siya ng rebulto! Grabe na siya! Grabe ka na talaga, 2022! Nagagawa mong santo ang isang demonyo—
"Katangahan!" Ang bulalas niya habang tawa nang tawa.
Ang gago!
Kusa akong sumimangot. Kahit kailan talaga ang baklang ito, oo! Laging pinapainit ang bunbunan ko sa sama ng loob!
Nagtawanan ang baboy at bakla—este sina Bernice at Angelo noong mas lalo akong sumimangot. Pero kusa rin namang nabura ang pagkunot ng noo ko nang bigla, nag-ring ang cell phone ko.
MESSENGGER
🅱️🅾️🅰️🆖️ is calling . . .
Tanga kayo, ha!
Heto kayo ngayon!
Mainggit kayo!
Mayabang muna na ngiti ang ginawad ko sa kanila bago ko pindutin ang answer button.
BINABASA MO ANG
Casually Cruel
RomanceTanya Vergara, an underweight college girl, will do everything to meet the guy with the pink umbrella again. It was love at first sight for her and she is willing to risk it all just to meet that stranger once more- yes, even if it means humiliating...
