Bago ko sagutin ang video call ni afam, napasuklay talaga ako sa buhaghag kong buhok nang bongga! Nagpabango pa ako na para bang maamoy niya talaga ako! Aba, mahirap na! Hightech na ang mga cell phone! Mabuti na iyong sigurado!
"Ehem, ehem." Ang sabi ko sa sarili bago magpasyang sagutin ang tawag.
"Yow, Tanya." Ang sambit niya kasama ang kanyang husky voice. Pero hindi doon nakatuon ang pansin ko ngayon. Ito ay direktang nakatitig sa kanya!
Bakit nakahubad na naman siya?
And more importantly,
Bakit! Hanggang! Collar! Bone! Lang?!
Lower, please?!
Charot lang!
"Uhm, hi." Ang bati ko pabalik habang hinahawi ang buhok ko. Sa utak ko, humahagikhik ako! Grabe naman kasi kung makatitig ang isang 'to! Parang anumang oras ay bubuhatin ako sa kama, shet!
"How was your day?" Lamang na lamang talaga sa kanya ang American accent niya.
"Uhm, I am," nag-iisip ako ng pangmalupitang english na pwedeng itugon sa kanya. Iyong makakapagpawindang sa kanya pero wala talaga akong maisip, letche siya! "I am happy!"
"Really, why?"
Ay bakit? Bawal ba? Bawal bang maging masaya sa pamamahay na ito? Desisyon ka, dzai?! Charot!
"Because . . ." I pause for a minute. Shet, ang hirap lumandi ng Amerikano!
"You can always speak tagalog naman," he chuckled, "nakakaintindi naman ako." He continued with his now, conyo accent.
Oh sige na nga! Letche talaga siya! Gusto ko pa man din magpasikat! Kainis na dila kase 'to! Baket ang vovo sa english teh?!
"Masaya ako kasi ano," humawi muna ako ng buhok matapos ay pinalo ko ang hangin sa harap ng cell phone, "ene be! Keshe nemen, eh!"
"Bakit?" He is now laughing. "Stop that alien language, I can't understand you."
"Ihh," ngumuso ako saka pinagdikit ang dalawang hintuturo ko. Alam kong kapag iba ang gumawa nito, kanina ko pa sila nahambalos!
Tumawa lang siya nang tumawa hanggang mapaubo na lang siya. Ayan, karma!
"Eto na, okay? Mukhang clown lang? Tinatawanan?"
Pabiro akong umirap at tumawa na na naman siya!
"Ano kasi, ehe! Masaya ako kasi nakausap uli kita." Joke lang talaga iyong sinabi kong hindi na ako magiging marupok sa kanya. Bawal magkamali?! Bawal mag-take two?!
"Me too," his smile became brighter that all I can see is him and me inside the church, promising forever as if it's our possible reality.
"Ano ba 'yan!" Lalo kong pinaghahampas ang hangin. "Teme ne!" Inamo ka! Mamamatay na ako sa kilig dito, oh!
Naiiling na lang siyang tumatawa. "By the way, ligo lang ako."
"Okay—"
"Sama ka?" Mapaglaro ang kanyang ngiti na siya ko namang pinanlakihan ng mga mata.
Pero agad akong naka-recover. "Luh? Anong tingin mo sa akin? Easy to get?" Umirap ako.
"Oh, sorry—"
"Aba, syempre naman! Sama akez!" Bigla kong sigaw kaya't siya ay napaigtad mula sa inuupuan.
Muling sumilay ang mapaglaro niyang ngiti. "All right, good girl." Sobrang kapal ng boses niya to the point na malapit na akong mag-request ng moan vm sa kanya, charot!

BINABASA MO ANG
Casually Cruel
General FictionTanya Vergara, an underweight college girl, will do everything to meet the guy with the pink umbrella again. It was love at first sight for her and she is willing to risk it all just to meet that stranger once more- yes, even if it means humiliating...