Nataranta ako. Hindi alam ang gagawin, gusto ko na lang maglupasay sa gulat!
Teka lang naman, afam! Bakit ang bilis mo naman yata? Sobrang speed, patay na patay ka sa akin?!
Napakurap ako. Maya't-maya akong humithit-buga ng hangin. Okay, Tanya. Kaya mo ito. 'Wag kang iirit! Baka matakot sa 'yo si dArAytwAn_28!
Umubo-ubo muna ako bago ko pinindot ang answer button. Shocks! Mukha akong sama ng loob dahil sa kaba! Sana talaga 'wag ako matae neto!
"Uhm, hello po. Ahihi." Ang pabebe kong sambit. Nakakainis 'yung ahihi!
At shet, hindi ko talaga kinakaya ang kagwapuhan ng isang ito noong ngumiti siya! And more importantly, bakit po siya walang suot na damit? Balak niya ba akong virginan virtually?! Charot!
"Bakit half lang ng face mo ang pinapakita mo?" Sobrang conyo ng accent niya. Pero ang sarap sa tainga. Ang kapal kasi ng boses, kasing kapal ng mukha ko. Ahe.
"Eh, nakakahiya kasi. Ang pangit ko—"
"You are lying. Nakita na kita nang personal," he knitted his eye brows and then he pouted. It was the best view, "maganda ka."
"Telege be?" Hindi ko napigilan ang magpatalon-talon sa kama! Ano ba, afam?! Tigilan mo 'yan kung ayaw mong sirain ko ang buhay mo! Chereng!
"You are really cute." Humalakhak siya. Ang gwapo niyang tumawa, leche?!
"Ay pa-fall," pabiro ko siyang inirapan.
Sa narinig ay napahalakhak rin siya. Matapos ay tinuro niya ang sarili bago ako nginitian nang matamis. "Ay, na-fall."
Muntik na akong mahimatay, leche siya!
"Hoy, teme ne kese. Parang tanga talaga." Pag-irap ko pang muli habang hinahawi pa ang buhok. 'Di ko na kaya, dzai! Bakit siya ganiyan?!
"Pero maiba nga tayo," he started again, "bakit mo ba ako hinahanap sa Western University Confession?"
Then he sighed, "more importantly, bakit kung kailan nandito na ako sa Japan?"
"Nasa Japan ka?" Napakurap ako.
"Yep," he pursed his lips bago muling bumuga ng hangin. "I am a model based here. Nandito rin ang mga magulang ko so basically, dito ako nakatira. Kanina lang iyong flight ko, nagbakasyon ako diyan sa Pinas for about two weeks."
"Ano ba 'yan . . ." Bigla akong nalungkot. Shet.
Sumilay na naman ang ngiti niyang lalong nakapag-gwapo sa kanya. "Lungkot ka? Miss mo ako?"
"Hoy, feeling!" Umirap ako para kunwari, hindi ako mamamatay sa kilig mamaya!
He only chuckled. "Pero ano nga? Bakit mo ako hinahanap sa Western University Confession?" Sumilay na naman ang ngiti niyang nakakamatay sa kilig. "Totoo ba 'yung ililibre mo ako? And specially, iyong ikaw ang next jowa ko?"
Umirap na naman ako nang pilit. "Feeling talaga."
Doon ay humalakhak na naman siya. Ang sarap niya talaga panooring tumawa!
"Ginawa ko iyon kasi nga ganito," lumunok ako ng laway, I tear my gaze away from his pretty boy face. Nakaka-distract kasi, "iyong mga kaibigan ko kasi, ayaw maniwala na ginawa mo talaga iyon sa akin. Iyong pinayungan mo ako at hinatid hanggang sa sakayan. Kaya heto, todo screenshot ako sa videocall natin kasi isasampal ko talaga ito sa bagang nila bukas." Pagpapatuloy ko habang nag-i-screenshot.
"Iyon lang?" Biglang lumungkot ang kanyang mukha. "Wala nang iba?"
Napatigil ako sa pag-screenshot. "Uhm, ayon. Gusto ko ring magpasalamat. Ehe."
"Wala na?" Muling tanong niya.
"Uhm . . ." Shet, sasabihin ko na ba? Sasabihin ko ba na kaya ko iyon ginawa kasi planado na ang kasal namin?! Charot!
"Ano kasi, ganito. Uhm, gusto—"
"Tanyang, kakain na!" Dumagundong ang malakas na boses ni Mama mula sa labas ng kwarto ko. Nataranta ako!
"Oy, boset! Andiyan si Mama!" Nanlalaki ang mga mata, agad kong pindindot ang end button ng call. Mapapatay ako ng nanay ko kapag nakita niyang may ka-videocall akong lalaki!
Noong magbukas ang pinto ay halos mawasak na iyon sa paghampas sa pader. Galit na galit, Ma?!
"May kausap ka?" Tinaasan niya ako ng kilay niyang drawing. Sumentro ang titig niya sa hawak kong cell phone.
"Wala po! Luh!" Nagkamot ako ng batok. Itinapon ko ang cell phone ko sa kama saka tumayo. Pinipilit kong hindi mapangiwi noong dali-dali akong naglakad papalapit sa kanya.
Shet! Nakakainis ka, Ma! Ang timing-timing mo sa love story namin ng dArAytwAn_28 ko!
BINABASA MO ANG
Casually Cruel
RomanceTanya Vergara, an underweight college girl, will do everything to meet the guy with the pink umbrella again. It was love at first sight for her and she is willing to risk it all just to meet that stranger once more- yes, even if it means humiliating...
