34

1.8K 111 28
                                    

Pagdating na pagdating ko sa bahay, naligo agad ako. Kasi paniguradong tatawagan ako ni afam kapag nakauwi na siya. Gusto kong magmukhang fresh kapag nakita na niya ako sa videocall. Mahirap na, baka mag-back out si dArAytwAn_28, noh!

Mahigit kalahating oras yata ang ginugol ko sa paliligo. Basta talaga nasa banyo ako, hindi ko na namamalayan ang oras. Mabuti na lang talaga at nandiyan ang mahadera kong Mother Earth.

"Oy, ano na Tanya?!" Napatalon talaga ako sa gulat noong hinampas niya nang malakas ang pintuan ng banyo. Kapag talaga ako nadulas dito, Ma! Kawawa ka! Mawawalan ka ng magandang anak!

"Kanina ka pa diyan, ano bang ginagawa mo? Natutulog?!" Patuloy niya sa pagbulyaw sa akin kaya't nagmadali na akong patayin ang shower. Ganoon na rin ang ginawa kong pagpunas sa katawan ko at pagbibihis.

Langyang buhay 'to, kailan kaya ako makakaranas ng maganda-gandang ligo sa pamamahay na ito?

"Kakain na!" Ang sigaw ni Mama sa akin noong mabuksan ko na ang pintuan.

Jusko, Ma! Ang layo ko? Nasa ibang ibayo pa ba ako para ganahan kang sumigaw nang ganiyan?!

Pero sa utak lang ako matapang. "Sige po, Ma. Lalagay ko lang sa kwarto 'tong maruming damit ko."

Nag-peace sign pa ako sa kanya. "Peace out!" Saka ako tumakbo papunta sa kwarto ko. Pero naka-make face ako the moment na tinalikuran ko siya.

***

Matapos kumain ay siyempre, hindi lang ako nabusog sa pagkain kung hindi sa sermon na rin ni Mama. Walanghiya. Kada-subo ko, mayroon siyang sinasabi na kesyo 'wag daw muna akong mag-jo-jowa at mahal ang bigas.

Bakit, ulam ba ang jowa at requirement ang bigas para magkaroon? Ewan ko rin kay Mama, magulo siya minsan— este lagi pala.

Humiga na uli ako sa kama kong pink. Hello Kitty ito kasi maganda ako, charot! Kasi ewan ko ba kung anong mayroon sa pusang ito na walang bibig.

Kinuha ko na ang cell phone ko. Agad kong kinlick ang Messenger app ko kasi ehem baka nag-chat na ang ehem manliligaw ko ehem.

Pero letche siya. Ni isa ay wala akong natanggap!

Sumimangot tuloy ako. This is the very first time he did this to me—charot! Napa-english ako. Ba't ganon?!

Awayin ko kaya 'to?

Lumitaw ang demonyong ngiti sa labi ko.

Ah, oo.

Aawayin ko siya! Letche siya!

Casually CruelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon