I heaved a deep sigh. 'Di ko alam kung saan ako magsisimula. 'Di alam kung ano nga ba ang dapat na unang maramdaman, ang mapahiya ba muna? Matawa? Pagtawanan ang sarili? O maiyak? Maiyak kasi ang tanga. Ang tanga lang. Ang tanga ko. Sobrang tanga ko.
I should've know better from the very beginning. I should've not fell to his trap. Kaya heto ako ngayon. Si gaga, iiyak-iyak. Na-indian, nagmukhang tanga—pero wait, tanga na nga pala ako the moment na umasa akong magugustuhan ako ng kagaya ni Brandon.
Isang malalim na hininga na naman ang pinakawalan ko bago ako umupo sa kama. Niyakap ko ang mga tuhod at sunod-sunod na napahikbi na naman. Mukhang 'di pa yata nauubos ang luha na inilabas ko simula kanina pa. Kailan ba 'to mauubos?
Ngayon, 'di ko talaga alam kung ano ang dapat kong maramdam. Blangko ako. Katulad ng isang papel, walang ibang laman kung hindi ang lungkot. Napahiya ako, eh. Umasa. Umasa sa wala. Umasa sa katarantaduhan.
Nakakapanghinayang lang, pero bakit ako manghihinayang? Bakit ako manghihinayang kung hindi naman totoo iyong pinakita niya sa akin na pagmamahal nitong mga nakaraang araw?
Napakamot na lang talaga ako sa ulo. Napahilamos rin sa mukha.
Gago, ayoko talaga ng ganitong feeling.
Pero agad din naman akong nawala sa sarili nang bigla, mag-ring ang cell phone. Tamad na tamad akong kinuha iyon. It was a phone call with Berna.
"Oh, problema mo—"
"Tanya . . ." There was some sort of an emotion on her voice that I can't decipher. Ay wow, nakapag-english ako.
"Ano?"
"H'wag kang mabibigla sa sasabihin ko pero . . ."
"Ano ba 'yon? Sabihin mo na lang kase," iritado akong kinamot ang batok, wala ako sa mood para sa pa-suspense niya diyan, "tsk."
"Napanood mo na ba ang balita?"
"Anong balita?"
"Nagkaroon ng lindol sa Japan kanina . . . at dahil doon, nagkaroon ng tsunami sa kanila."
"Oh," natigilan ako at napakisap ng mga mata, "kawawa naman."
Pero agad rin naman akong naka-recover sa pagkabigla, "teka nga, bakit naman ganiyan ka na ngayon? Kailan mo pa ko in-update sa mga current events ng mundo—"
"Ito siguro ang dahilan kung bakit hindi ka sinipot ni Brandon. 'Di ba . . . taga-doon siya?"
Those words.
Those fucking words . . . made a slow motion effect on me.
Naging mabagal sa akin ang buong paligid. I swallowed hard so slowly as I heard my heart to beat loudly. Bigla kong nabitawan ang cell phone sa patuloy na pag-proseso sa isip ng mga sinabi ni Berna.
Fuck . . .
No . . .
Fucking no . . .
BINABASA MO ANG
Casually Cruel
General FictionTanya Vergara, an underweight college girl, will do everything to meet the guy with the pink umbrella again. It was love at first sight for her and she is willing to risk it all just to meet that stranger once more- yes, even if it means humiliating...