2

4.5K 229 52
                                    

Tanya Vergara changed the nickname for Bernice Bernado to Berna Batchoy.

Berna Batchoy
Tangina mo, kalansay.

Berna Batchoy
Ang sabi mo, mag-co-confess ka na sa Western University Confession.

Berna Batchoy
Ba't mo ako nilalait ngayon na parang kinulang ka sa ugoy ng duyan noong bata?

Tanya Da Sexiest
Ang daming sinabi?

Tanya Da Sexiest
Sorry na!

Tanya Da Sexiest
Hindi kasi ako makapag-construct ng malupet na confession.

Berna Batchoy
At nasan ang pake ko?

Tanya Da Sexiest
Hindi naman kasi ako construction worker, duh.

Berna Batchoy
Tatamaan ka saken bukas

Tanya Da Sexiest
Eto na nga! Mag-co-construct na! Warshockerer ka talaga kahit kailan! Nasaan na ba kasi iyong semento?!

Berna Batchoy
Ayusin mo desisyon mo sa buhay, kalansay

Berna Batchoy
Kapag talaga iyan, di mo napatunayan . . .

Tanya Da Sexiest
Ano?

Berna Batchoy
Dadaganan kita hanggang sa mamatay ka.

"Jusko mahabagin!" Napasinghap talaga ako nang bongga. Napatakip ako ng bibig habang nanlalaki ang mga mata.

Kilala ko ang babaeng iyan! Alam kong tototohanin niya iyan! Paniguradong mapipisa talaga ako nang buhay kapag nadaganan niya ako!

Doon ay agad-agad tuloy akong nag-type. Wala akong dapat sayangin na sandali, mahal ko pa ang buhay ko!

Shet kaya bilisan mo, mga kamay ko! Mag-type kayo, mga shunga!!!

Nanginginig pa!

Pero paano ko ba kasi 'to sisimulan?

Uhm,

Shet.

Okay.

Heto na nga lang . . .

TO THE GUY WITH THE PINK UMBRELLA

Casually CruelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon